Ipinahamak sa It's Showtime… ANNE, TAGILID SA ENDORSEMENT NG FAST FOOD DAHIL KAY VICE
- BULGAR
- Jan 22, 2024
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | January 22, 2024

After ngang mapaglaruan ni Meme Vice Ganda si Anne Curtis sa It's Showtime tungkol sa mga ineendorso nilang food chain, mukhang seryoso nga si Anne na magpaliwanag.
Ang naturang eksena kasi ang nagpakaba kay Anne na posible umano siyang kagalitan o sumabit nang dahil sa kaeklayan ni Vice.
Ang naturang bantering o joke time kasi ni Vice ay nang paulit-ulit nitong ipabanggit kay Anne ang tagline niya sa McDonald's (Nice, ganda, na katunog ng Vice Ganda!) habang nasa isang segment sila.
Siyempre, kontra ito sa ine-endorse ni Anne na Jollibee kaya't nang mapagtanto ng aktres-host na naipit siya, paulit-ulit itong humingi ng "sorry" at sinabing "lapse of judgment" ang nangyari.
Sinabi pa niya kay Vice na ito ang magbayad if ever mang may ipataw na parusa o mawalan siya ng endorsement.
Hindi lang pala kasi 'yun ang unang beses na nalagay sa alanganin ang endorsement ni Anne nang dahil din kay Vice (isang telecommunication product na kakumpitensiya nu'ng kay Vice) at nasabon o napagsabihan na ito.
Hala, Meme, minsan kasi, ang sobrang pagiging matalas ng utak ay hindi nakakabuti sa sitwasyon ng iba, 'noh!
Ingats-ingats. Paano nga kung sumabit uli si Anne nang dahil sa iyo, Meme?





Comments