Ipinagsigawan pa sa socmed, Jak… MADIR NI BARBIE, GUSTUNG-GUSTO SI DAVID
- BULGAR
- Jan 6
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 6, 2025
Tuwang-tuwa ang mga fans nina Barbie Forteza at David Licauco dahil feeling nila, BarDa fan din ang mom ng aktres. Dahil ito sa post ni Amy Forteza ng clip ng K-drama series na When The Phone Rings (WTPR) at tinabihan ng photo nina Barbie at David at may caption na: “Nag-iilusyon lang po, walang kokontra.”
Ang dating noon sa BarDa fans, dream ni Mommy Amy na kung magkakaroon ng local adaptation ang K-drama, sana, sina Barbie at David ang gumanap.
Kung nabasa ng GMA ang post na ‘yun ni Amy, baka nga gawan nila ng adaptation.
Kasunod nito, ni-like rin ni Amy ang post ng isang BarDa fan na, “Mas bagay talaga sila,” na sina Barbie at David ang tinutukoy.
Sabi tuloy ng mga fans, maka-BarDa talaga ang mom ni Barbie at ngayong break na sina Barbie at Jak Roberto, puwede na siyang maging open sa pagiging BarDa fan.
May mga pumuna sa mom ni Barbie, pero tama ang sabi niya, walang kokontra, nag-iilusyon lang siya. Wala naman sigurong masama at hindi ‘yun kasalanan.
Nainterbyu si Carla Abellana sa script reading ng cast ng Widows’ War (WW) na that time na in-interview ang aktres ay nasa last three taping days na lang sila.
Pero, hindi pa rin daw nila alam kung sino ang real killer sa mga Palacios at nalaman lang nila nang mabasa na ang script.
Ayon pa kay Carla, halos one year silang nagte-taping, kaya pamilya na ang turingan nila sa isa’t isa.
Naging daan daw ang WW para makilala at maging friends sila ni Bea Alonzo. Hindi nahiya si Carla na amining fan siya ni Bea at dahil sa WW, nabigyan siya ng chance to work with her idol at makita at maobserbahan kung paano ito magtrabaho.
Ibinalita na rin ni Carla na after WW, magbabakasyon muna siya, to rest and to recharge para pagbalik ay ready na uling magtrabaho.
Maganda ang sagot ni Carla sa tanong kung ready na siya to fall in love again. Nakangiti nitong sinabing hindi siya naghahanap, pero hindi rin naman yata dededmahin kung may magparamdam.
Naka-move on na totally ang aktres sa past relationship niya, kaya move on na rin tayo at hindi na kami nagbanggit ng name ng ex niya.
Samantala, nakakalungkot lang na magtatapos ang WW na hindi na nakabalik si Archie Alemania sa series. At least, si Rita Daniela ay nakabalik pa at may closure ang karakter niyang si Rebecca.
Sina Archie at Rita, matatapos na nga ang series, nagtapos din ang kanilang friendship.
SHOWING pa rin ang Green Bones (GB) at malamang, kahit tapos na ang Metro Manila Film Festival (MMFF), tuloy pa rin ang showing ng movie nina Dennis Trillo at Ruru Madrid.
Kung patuloy na tatangkilikin ang nabanggit na pelikula, baka mag-abot pa ito sa sinehan at ang post-Valentine movie nina Dennis, Sam Milby at Jennylyn Mercado na Everything About My Wife (EAMW).
Excited ang mga fans sa nasabing pelikula at makikita ito sa number of views ng official teaser. May 2M views na ang teaser at lahat ay natutuwa sa kanilang napanood at kung puwede lang ay mapanood na ang movie. Kaya lang, sa February 26, 2025 pa ang showing nito, more than one month pa at may time pa kayong mag-ipon.
Kabilang sa mga rason sa nagpapa-excite sa fans ay dahil rom-com ang pelikulang ito ni Real Florido. Ibig sabihin, hindi magdadrama si Dennis. Ngayon lang daw nila mapapanood ang aktor sa isang rom-com movie at gusto nilang makita kung keri nitong magpakilig.
Isa pa sa mga rason ay dahil balik-rom-com si Jennylyn na alam natin kung gaano kahusay sa ganitong genre ng pelikula. Kahit nga si Dennis, “Rom-com Queen” ang tawag sa asawa at inalalayan daw siya nito sa kanyang mga eksena.
For their next series naman sa GMA-7, action na may halong rom-com din ang Sanggang Dikit (SD) at dahil parehong magaling na artista ang mag-asawa, kering-keri nila ito.
Comments