Ipapaubaya na sa mga anak… VILMA, ‘DI NA FEEL MAG-PULITIKA
- BULGAR
- May 20, 2024
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 20, 2024

Sayang at ‘di umabot ang Mentorque Productions producer na si Bryan Dy sa meeting niya with the officers and members ng SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors) last Saturday night sa sobrang traffic.
Galing pala ang producer ng Mallari movie ni Piolo Pascual sa meeting nila ng Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos, at dahil umulan, naatraso ito kaya via Zoom meeting na lang ang naging tsikahan namin sa kanya.
Binati ng mga bumubuo sa SPEED (isa kami sa members) si Sir Bryan dahil bukod sa 14 out of 18 nominations nito sa FAMAS Awards na gaganapin sa May 26, nagwagi rin si Papa P sa katatapos lang na Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation bilang Best Actor for Mallari.
At dahil kagagaling nga lang ni Sir Bryan sa meeting with Ate Vi, hiningan namin siya ng update sa pinag-usapan nila.
Super happy daw si Sir Bryan na finally ay nakapag-meeting na sila ng Star for All Seasons dahil inamin niyang si Ate Vi talaga ang dream niyang mai-produce sa movie.
Pero hindi pa raw siya makapag-update dahil wala pang final sa mga napag-usapan nila.
May naibigay daw silang shortlist kay Ate Vi ng mga puwedeng makasama nito sa pelikula at excited naman daw ang aktres, pero ang tungkol sa istoryang gagawin ay wala pang final.
Parehong metikuloso sina Ate Vi at Sir Bryan kaya pinag-iisipan daw nilang mabuti ang next movie na gagawin ng Star for All Seasons. Gusto kasi ni Ate Vi na something different at hindi pa talaga niya nagawa sa buong showbiz career niya ang kanyang next movie after When I Met You in Tokyo.
At si Sir Bryan naman, gusto niyang kay Ate Vi rin manggaling kung ano ang gusto nitong gawing movie, na siyempre ay commercially viable pa rin dapat, kaya kailangan daw talaga nilang timbangin at pag-usapang mabuti ang kanilang mga desisyon.
Ang maganda nito, ang kampo na rin ni Ate Vi ang unang nag-post sa Facebook ng picture nila ni Bryan Dy together with Direk Antoinette Jadaone, Direk Dan Villegas and some Mentorque people kaya mukhang positive at magtutuluy-tuloy na ang kanilang nilulutong proyekto.
Obviously, mukhang ine-enjoy talaga ni Ate Vi ang kanyang pagbabalik-showbiz, kaya kahit may clamor na naman daw na tumakbo siyang governor ng Batangas next elections, ayon sa aming source, ipauubaya na lang ng dating Lipa mayor at Batangas governor ang pagtakbo sa kanyang dalawang anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto.
Unfortunately lang, hindi ang movie na ito ni Ate Vi ang ilalahok ng Mentorque Productions sa MMFF 2024 kundi ang Biringan na wala pang sinabi si Sir Bryan Dy kung sino ang bibida.
At dahil inspired nga at ganado ang Mentorque producer matapos ang success ng first film niyang Mallari, ayon kay Sir Bryan ay four films ang nakatakda nilang gawin sa isang taon!
Oh, ‘di ba bongga?! Kahit sabihin pang MMFF entries pa lang ang kumikita sa takilya, advocacy daw ni Sir Bryan na matulungan ang movie industry kaya ‘yung kinita nila sa Mallari, paiikutin lang daw niya para makapag-produce ng marami pang makabuluhan at de-kalidad na pelikula.
Kaya naman, deserving talaga si Sir Bryan Dy sa pagkakapili sa kanya ng grupong SPEED para bigyan ng Rising Producer of the Year Award sa gaganaping EDDYs Awards sa July, 2024.
Congrats in advance!!!
Comments