top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ipapalit na suplay sa mga na-expire na bakuna, ‘di dapat masayang!

BULGAR
Aug 15, 2022
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | August 15, 2022


Matapos ang pagkasayang ng aabot sa P5.1 bilyong halaga ng COVID-19 vaccine mula sa pribadong sektor, nangako na umano ang COVAX facility na papalitan nito ang lahat ng expired at mae-expire na COVID-19 vaccines doses sa bansa.


Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang na rito ang mga binili ng pribadong sektor at local government units (LGUs).


Dagdag pa ng opisyal, ang pagpapalit sa mga expired na bakuna ay iiskedyul at isasagawa sa sandaling magsimulang maubos ang kasalukuyang suplay ng bakuna sa bansa. Kasabay nito ang pagtiyak na may sapat pang suplay ng bakuna ngayon ang Pilipinas.


Base sa pinakahuling datos ng DOH, umaabot na sa 71.9 milyong Pinoy ang fully vaccinated laban sa COVID-19, habang 16.6 milyon naman ang nakatanggap na ng booster shots.


Magandang balita na mapapalitan ang nasayang na bakuna. Ibig sabihin kasi, hindi talagang lugi ang mga bumili nito.


Pero bago ang lahat, tiyakin nating hindi masasayang ang mga natitirang suplay ng bakuna.


Kung kinakailangan itong ipamigay sa ibang bansang nangangailangan, gawin na hangga’t puwede pang mapakinabangan.


At sa pagdating ng mga bagong suplay ng bakuna, pakiusap sa mga kinauukulan, gawin ang lahat ng inyong makakaya upang matiyak na mapakikinabangan ang mga ito at makararating ito sa mga target na mabakunahan.


Hindi na dapat maulit ang nangyaring vaccine wastage, kaya isa pang pakiusap, iwasan nating magpabaya.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page