top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ipa-neuro test din daw… MGA PULIS NA NAGTANGGOL KAY NUEZCA, LAGOT DIN KAY SEN. BONG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 23, 2020
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | December 23, 2020




Naging pangunahing balita sa alinmang TV news program at headline din sa halos lahat ng pahayagan ang malagim at karumal-dumal na pagbaril ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa bayan ng Paniqui, Tarlac nitong Linggo (December 20).


Maraming senador ang nagalit sa nakitang video kung saa'y walang awang pinaputukan ng pulis sa sentido ang walang kalaban-labang mag-ina.


Ayon kay Senator Bong Revilla, Jr., kung may parusa lang na bitay, ito ang rekomendasyon niyang gawing parusa kay Nuezca.


Gigil na gigil na sinabi ni Sen. Revilla na walang puwang sa PNP at sa isang civilized society ang mga kagaya ni Nuezca na dapat parusahan at hindi lamang basta alisin sa serbisyo.


"This is one compelling case for the reinstitution of the death penalty," sabi ni Revilla.

Pinuna rin ng aktor-pulitiko ang pagtatanggol kay Nuezca ng ibang mga miyembro ng PNP.


"Pati itong mga pulis na nagtanggol pa kay Nuezca, na isa-isa rin namang nagbura ng kanilang mga post matapos mapuna, dapat imbestigahan din ng PNP (Philippine National Police) at NAPOLCOM (National Police Commission). Dapat lahat ng 'yan, i-evaluate ulit at ipa-neuro.


"Hindi ka tao kung magagawa mong pumatay nang ganu'n lang, at sa harap pa mismo ng iyong anak. Tapos, lalakad lang kayo palayo na parang walang nangyari," aniya pa.


Humihingi rin si Revilla ng paliwanag mula sa PNP dahil nananatili sa serbisyo si Nuezca sa kabila ng mga pang-aabuso at patung-patong na kasong kinasasangkutan kaya lalong naging abusado.


"The PNP should review its standards. Hindi dapat hinahayaan ang mga bulok sa organisasyon dahil nadadamay lahat. Kung pababayaan nila ang mga bugok, makakahawa pa 'yan at ayan, nakikita na natin ang resulta," ani Revilla.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page