top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Intestate succession kapag namatay nang walang testamento

BULGAR
Nov 12, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 12, 2022


Dear Chief Acosta,


Namatay ang aming mga magulang nang walang iniwan na testamento para sa aming magkakapatid. Ako ang panganay sa limang magkakapatid at batid ko na may mas mabigat na responsibilidad na nakaatas sa akin bilang panganay. Maaari ko bang angkinin ang mas malaking bahagi ng mana bilang panganay na anak? - Bruce


Dear Bruce,


Nakasaad sa Artikulo 960 ng “New Civil Code of the Philippines” na legal o intestate succession ang magaganap kapag ang isang tao ay namatay nang walang testamento:


“Art. 960. Legal or intestate succession takes place:


  1. If a person dies without a will, or with a void will, or one which has subsequently lost its validity;

  2. When the will does not institute an heir to, or dispose all the property belonging to the testator. In such case, legal succession shall take place only with respect to the property of which the testator has not disposed;

  3. If the suspensive condition attached to the institution of heir does not happen or is not fulfilled, or if the heir dies before the testator, or repudiates the inheritance, there being no substitution, and no right of accretion takes place;

  4. When the heir instituted is incapable of succeeding, except in cases provided in this Code.” (Binigyang-diin)


Samakatwid, legal o intestate succession ang naganap sa kaso ng iyong mga magulang dahil wala silang naiwan na testamento.


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Artikulo 980 ng “New Civil Code of the Philippines,” kung saan nakasaad na ang mga anak ng namatay ay palaging magmamana mula sa kanya sa kanilang sariling karapatan at ang mana ay hahatiin sa pantay na bahagi:


“Art. 980. The children of the deceased shall always inherit from him in their own right, dividing the inheritance in equal shares.” (Binigyang-diin)


Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, hindi mo maaaring angkinin ang mas malaking bahagi ng mana mula sa iyong mga magulang kahit ikaw ang panganay na anak dahil kayong magkakapatid ay magmamana ng pantay na bahagi sa mga naiwan nilang ari-arian.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page