Internet at CP load allowance ng mga guro na P83.33 monthly parang limos lang!!!
- BULGAR

- Dec 11, 2020
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 11, 2020
DALAWA PALA ANG NANANALASA SA ‘PINAS, VIRUS AT MGA BUWAYA—Ayon kay Judge Dolly Español ng Transparency International, dalawa ang kinakaharap na problema ng Pilipinas—ang COVID-19 pandemic at korupsiyon.
Hay naku, grabe na pala nangyayari sa bansa, hindi lang pala COVID-19 ang nananalasa, kundi pati ang mga buwaya sa pamahalaan, buwisit!
◘◘◘
P83.33 MONTHLY LANG ANG ALLOWANCE NG DUTERTE GOV’T. SA INTERNET AT CP LOAD NG MGA TITSER?—Ibinulgar ng ACT (Association of Concerned Teachers) partylist na sa 2021 national budget ay P1,000 lang ang inaprub ng Duterte gov’t. na yearly internet at cellphone load allowance ng mga public school teachers bilang tulong sa panahon ng pandemya, na kapag dinivide ito (P1k) sa 12 months, lumalabas na P83.33 monthly lang ito.
Mantakin n’yo, P4.5 trillion ang 2021 national budget ng Duterte gov’t. at ang napunta sa DepEd ay P708.18 billion, tapos ang tulong sa mga guro ay mistulang “limos” na P83.33 monthly, buwisit!
◘◘◘
PAMBABALATUBA NG GOBYERNO SA MGA GURO—Kung wala sa Kongreso ang ACT partylist ay hindi malalaman ng publiko na P83.33 monthly lang ang pa-internet at cellphone load allowance ng pamahalaan sa mga guro kasi karamihan sa mga kongresista ay trapo (traditional politicians) na tikom ang bibig sa ganitong isyu sa takot na patanggalan sila ng pork barrel!
◘◘◘
PABIDA NI P-DUTERTE NA MAGRE-RESIGN KAPAG MAY NAKAPAGPATUNAY NA KAHIT PISO AY MAY NINAKAW SIYA—Ang sabi ni P-Duterte, kapag may nakapagpatunay na kahit piso ay nagnakaw siya sa kaban ng bayan ay magre-resign siya sa puwesto.
Nagpabida na naman, mag-‘sign the waiver’ at isapubliko na lang ang kanyang SALN (Statement of Assets, Liabilities and Networth), d’yan magkakaalaman kung may tagong-yaman ang Pangulo, period!





Comments