International lookout bulletin vs. suspek sa Degamo killing

Updated: Mar 19, 2023
ni Mylene Alfonso | March 19, 2023

Hihilingin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) na maglabas ng Blue Notice laban sa mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Sinabi ni DOJ Spokesperson Mico Clavano na isa pa rin si Negros Oriental Rep. Arnie Teves, Jr. sa mga isinasangkot sa pagpatay sa lokal na opisyal.
Ayon kay Clavano, plano nilang ilagay ang mga suspek sa lookout bulletin sa susunod na linggo.
“Well, we have taken precautions and we will take further precautions kasi padagdag nang padagdag ‘no iyong mga kaso natin. So all those that are in relation to the Degamo slay, we have taken concrete steps na maglabas po ng international lookout bulletin, pinapag-usapan po natin ang paglagay ng mga tao sa blue list, sa Interpol ‘no – Blue Notice,” pahayag ni Clavano sa media briefing sa Quezon City.
Aniya, ang blue notice ay magbibigay-daan sa gobyerno na subaybayan ang mga galaw ng mga respondent.
“We hope to do that maybe next week just so that we are aware ‘no doon sa movements ng ating mga respondents who may very well be involved in the Degamo slay and who may be vital doon sa ating investigation,” wika pa ng DOJ official.
“Dahil po ilalagay na sila sa international lookout bulletin, mayroon po tayong records kung saan sila pumunta, anong petsa po sila umalis – iyon po ‘yung mga relevant data na makukuha natin dahil ilalagay po natin sila sa lookout bulletin,” dagdag pa ni Clavano.





Comments