top of page
Search
  • BULGAR

Intel fund ng PNP at PDEA, wa' 'wenta dahil naisahan pa rin ng mga sindikato

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 1, 2021



ONLI IN DA 'PINAS LANG NA TIKLOP ANG MGA SENADOR AT KONGRESISTA SA P-DUTERTE—Sinabi ng Senado at Kamara na iimbestigahan nila ang naganap na shootout ng PNP (Philippine National Police) at PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) para malaman ng publiko kung sino sa kanila ang nagbebenta ng shabu (sell-bust) na humantong kaya dalawang pulis at dalawang taga-PDEA ang namatay, pero nang sabihan sila ni P-Duterte na huwag itong imbestigahan dahil nag-iimbestiga na ang National Bureau of Investigation (NBI), sabi ng mga mambabatas ay hindi na sil mag-iimbestiga.


Sa ibang bansa, hindi magawang diktahan ng pangulo ang mga senador at kongresista dahil magkahiwalay ng kapangyarihan ang pangulo at mga mambabatas, at onli in da 'Pinas lang, na tiklop ang mga senador at kongresista sa pangulo, boom!


◘◘◘


SINUPALPAL NI P-DUTERTE ANG PABIDA NI GEN. SINAS—Matapos ang madugong shootout sa pagitan ng PNP at PDEA, agad nagpabida si PNP Chief Gen. Debold Sinas nang utusan ang CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) na pamunuan ang imbestigasyon dito, pero makalipas ang dalawang araw, nagpalabas ng direktiba si P-Duterte sa NBI na pamunuan ang imbestigasyon sa PNP-PDEA shootout.


Para namang sinupalpal ni P-Duterte ang pabida ni Gen. Sinas sa isyung ito, he-he-he!


◘◘◘


HINDI NATIKTIKAN NG PNP AT PDEA NA KEKENGKUYIN SILA NG DRUG SYNDICATE—Kung totoo ang sinabi nina PNP Chief Gen. Debold Sinas at PDEA Director Wilkins Villanueva na pinaglalaruan lang sila ng drug syndicate kaya nagbarilan ang mga tauhan, eh, ang dapat gawin ngayon ng Senado at Kamara ay magkaisang tanggalin na ang intelligence fund ng PNP at PDEA.


Mantakin ninyo, higit P800-M ang intel fund ng PNP at higit P500-M ang intel fund ng PDEA na pondong paniktik sa mga masasamang elemento ng lipunan, tapos hindi nila natiktikan na kekengkuyin lang pala sila ng mga drug syndicate, buwisit!


◘◘◘


MAGKAIBA ANG INTELLIGENCE FUND SA INTELIHENSIYA NG MGA BUWAYANG PARAK—Magkaiba ang intelligence fund ng PNP sa intelihensiyang natatanggap naman ng ilang buwayang parak.


Ang intel funds na ibinigay sa Office of the PNP chief ay mula sa kaban ng bayan na paniktik sa mga masasamang elemento ng lipunan, at ang intelihensiya naman na ibinibigay sa mga tongpats collector na tulad ni "Berlin" na nagpapakilalang taga-Canp Crame; "Madam Reyna," "Cesar Pilosopo" at "Ad-Juan" na pakilala ay taga-Camp Bagong Diwa (NCRPO) raw sila, at "Jake" na kolektor daw ng NPD (Northern Police District) ay mula sa mga ilegalistang gambling lords bilang proteksiyon sa mga panraraket nila sa taumbayan, buwisit!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page