Greatest love raw, Mariel… ROBIN, NAGTANGKANG MAG-SUICIDE NANG IWAN NG NANAY NINA QUEENIE AT KYLIE
- BULGAR

- Jun 19, 2024
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 19, 2024

Kahit marami na siyang nakarelasyong artista, dumanas din pala ng matinding depression si Sen. Robin Padilla dahil sa kabiguan niya sa pag-ibig.
Labis siyang nalungkot nang maghiwalay sila ng kanyang ex-wife na si Liezl Sicangco, kaya naisip daw niyang magpakamatay.
Ito ang inamin ni Robin nang mag-guest siya sa vlog ni Toni Gonzaga na Toni Talks. Hindi raw inakala noon ng aktor na magagawa siyang i-divorce ng nanay nina Queenie at Kylie Padilla. Labis niya raw itong ikinabigla at dinamdam.
‘Yun namang mga relasyon niya sa kanyang mga nakakapareha sa pelikula ay hindi nagtatagal. Pagkatapos ng movie ay tapos na rin ang kanilang love story.
Iba pa rin ang pagmamahal niya sa babaeng una niyang pinakasalan at iyon ang greatest regret niya.
Well, may regular pa rin silang communication ni Liezl dahil sa kanilang mga anak.
Ngayon, sa piling ni Mariel Rodriguez ay natagpuan na ni Sen. Robin Padilla ang tunay na pag-ibig at hindi na siya ‘chickboy’ tulad ng dati.
FAKE news daw ang balitang pag-aari ni Sen. Lito Lapid ang lupang kinatatayuan ng POGO hub sa Porac, Pampanga. Umaapela siya sa media na sana naman ay maging responsable ang ilang mamamahayag sa mga inire-report na balita, lalo na’t hindi naman ito kumpirmado.
Nananawagan din si Sen. Lito sa Senado upang isama sa imbestigasyon at pagsalakay ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC) ang POGO hub sa Pampanga.
Kailangang malaman ng lahat ang katotohanan kung sino ang nasa likod ng operasyon ng POGO at kung kanino ang lupa at building na ginagamit nito at kung ano'ng kumpanya ang nagpapatakbo rito.
Naniniwala si Sen. Lito na dapat na protektahan ang pambansang interes at panagutin ang mga taong sangkot sa ilegal na POGO operation.
Ang mga karumal-dumal na nadiskubre sa POGO hub sa Bamban, Tarlac at Porac ay nararapat na kondenahin at bigyan ng mabilis na aksiyon.
Dating naging mayor ng Porac, Pampanga si Sen. Lito Lapid kaya labis niyang ikinababahala na may ilegal na gawain sa kanyang bayan. Kaya pabor siya sa gagawing imbestigasyon ng Senado sa Porac.
MARAMI ang nakikisimpatya sa ex-girlfriend ni Carlo Aquino na si Trina Candaza dahil hindi siya ang pinakasalan kahit may anak na sila. Kaya naman, bina-bash ngayon ang bagong kasal na sina Charlie Dizon at Carlo Aquino.
May mga netizens din ang nag-advise kay Charlie na ‘wag masyadong makampante dahil walang katiyakan kung magtatagal ang kanilang marriage.
Sey din ng mga Marites, dating ‘chickboy’ si Carlo, kaya tiyak na maghihiwalay din sila kapag hindi kinaya ng mga ito ang ugali ng isa’t isa.
Pero, patutunayan daw nina Charlie at Carlo na may forever sa kanilang relasyon. Sisikapin nilang maging buo ang kanilang pagsasama sa kabila ng mga batikos na ibinabato sa kanila. Well, pareho naman silang dumanas na ng kabiguan sa pag-ibig.
Hindi na rin dapat ipilit pa ni Trina Candaza ang kanyang sarili kay Carlo kahit na may anak na sila. Meron talagang taong itinakda para sa isa’t isa. Hindi lang siya magiging masaya kung pipilitin niyang sila ng aktor ang magsama. Hindi siya ang nakatakda na maging kabiyak ni Carlo Aquino. Mag-move on na siya at itaguyod ang anak nila na si Mithi.
MARAMI ang nagulat at naaliw sa sikretong ibinunyag ng Chinita Princess na si Kim Chiu.
Imagine, ‘yung iginanda niya at pagiging sosyalin ay nagbabaon pala siya ng arinola sa kanyang kotse?
Pamana pa raw ng kanyang lola ang nasabing arinola at ginagamit niya kapag nagbibiyahe siya nang malayo na kailangan niyang dyuminggel ‘pag alanganin ang lugar. Pero hindi niya 'yun ginagamit kapag siya ay dudumi.
Praktikal lang naman si Kim at nagpapakatotoo. Hindi niya ikinahihiyang aminin na nagdadala siya ng ‘mahiwagang arinola’ sa kanyang kotse.





Comments