Iniwan nina Jake at Matthew Lhuillier… CHIE, MAGDAMIT DAW NANG MAAYOS PARA MAKAHANAP NG MATINONG LALAKI
- BULGAR

- Apr 9
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | April 9, 2026

Photo: Chie Filomeno - IG
Masyadong malupit ang mga comments sa post ni Chie Filomeno na nasa beach at magsu-swimming, na may caption na: “Shot puno.”
Ang daming hate comments na para bang may nagawa siyang masama.
May mga nagsabi na hindi raw puwede sa alta si Chie at dapat bumalik na lang sa pagpapa-sexy.
May nagpayo rin na magbihis at kumilos nang maayos para makahanap ng lalaking matino, na para bang may mali sa kanyang pananamit.
May nagkomento pa na si Jake Cuenca ay may Rabiya Mateo na at si Matthew Lhuillier ay bumalik sa longtime girlfriend, samantalang siya ay mag-isa ngayon.
Kapansin-pansin naman na marami ring nagtatanggol kay Chie. Hindi raw niya kailangan ng lalaki sa ngayon dahil bata pa siya, may pera at may career. May ilan pang nagbigay ng payo na mag-aral at magtapos, at mag-focus sa pagpapalago ng sariling halaga.
May mga nagsabi rin na gusto nila ang pagiging genuine at unbothered ni Chie, kaya ang payo ay maghintay dahil marami pang darating na mas deserve niya. Ituloy lang niya ang pandededma sa mga bashers.
Nagsimula na palang mag-taping si Bea Alonzo ng bago niyang series sa GMA-7 na Whispers from Heaven (WFH). Parang naka-ilang araw na ng taping ang aktres at kahit mainit ang panahon, tuluy-tuloy ang kanyang trabaho.
Sa video na aming napanood, may dala lang siyang mini fan para mabawasan kahit papaano ang init.
Mukhang multi-tasking si Bea dahil sinimulan na rin niya ang paghahanda sa wedding nila ni Vincent Co na, ayon sa report, ay gaganapin sa May 16 sa Spain.
In fairness, walang lumalabas na leakage sa wedding preparations kaya mag-abang-abang na lang tayo kung may lalabas na detalye.
Ang isang lumabas na balita, mas maaga raw ang wedding nina Bea at Vincent kaysa sa nabalitang May 16. Makukumpirma ito kung isa sa mga nakatanggap ng wedding invitation ang magsasalita tungkol dito.
Samantala, pinansin ng mga fans na blooming si Bea kahit busy at pagod sa taping ng kanyang bagong series. Siguro ay inspired siya at gusto ang concept ng series na isang political thriller sa direksiyon ni Zig Dulay. Nabalita nga na special request ni Bea sa GMA-7 na si Zig ang maging director at natupad naman ito.
Maganda ang story ng WFH dahil naaayon sa mga nangyayari sa gobyerno.
Sey ni Direk Zig, “Ang daming ilalagay sa mga episodes at script na somehow, alam nating may mga anomalyang nangyayari pero ‘yung detalye, ‘di natin nakikita. So ngayon pa lang, tapangan n’yo na.”
Samantala, inaabangan na ang announcement ng wedding entourage nina Bea Alonzo at Vincent Co, pati na ang mga sponsors at mga invited guests. Hindi raw pahihirapan ang mga bisita dahil nabalitang may private plane na magdadala sa kanila sa Spain kung saan gaganapin ang kasal.
Wala raw dahilan para iwan ang GMA-7…
PAGLIPAT NI MARIAN SA ABS-CBN, FAKE NEWS
KAHIT ang Kapamilya fans ay hindi naniwala sa balitang kumalat sa Facebook (FB) na posible raw lumipat si Marian Rivera sa ABS-CBN matapos umano ang pag-uusap ng kanyang kampo at ng mga opisyal ng network.
Ayon sa kanila, walang rason si Marian para umalis sa GMA Network dahil may mga proyekto siya rito at nag-a-adjust ang network sa kanyang availability. Nakakagawa rin naman siya ng pelikula sa Star Cinema kasama si Dingdong Dantes kaya wala ring dahilan para lumipat siya.
Para naman sa mga fans ni Marian, taktika lang ito para mag-react ang mga Kapuso fans at kumita ang nag-post ng fake news.
Dagdag pa nila, lumalabas ang ganitong isyu tuwing may proyekto si Marian sa Star Cinema. Nabalita kasing muli silang gagawa ng pelikula ni Dingdong Dantes sa ilalim ng Star Cinema kasama ang APT Entertainment at Agosto Dos Productions.
Kaya naman, tila recycled issue na ang usapin ng kanyang paglipat. Matatandaang nasagot na rin ito noon ni Marian Rivera at iginiit na walang lipatang mangyayari.
Malamang, ganoon pa rin ang magiging sagot niya kung muli itong matatanong.




Comments