Iniurong na ang kaso pero ‘di pa rin bati… DAMIT NG ATE LAKAM NIYA, ISINAMA SA MGA IBINENTA NI KIM
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 26, 2026

Photo: IG _chinitaprincess
Mga damit ng Ate Lakam ni Kim Chiu, nasama sa ginanap na Kim Chiu Closet Bazaar 2026?
Naitsika ito sa amin ng aming source na nitong nagkaroon nga ng bazaar si Kimmy, hindi na umabot ng tatlong araw – as scheduled – dahil isang araw at kalahati pa lang ay nalimas na nang dagsain ito ng mga supporters ng aktres.
Tsika pa sa amin ay halos bago pa ang pre-loved items ni Kim na isang beses lang nagamit, mula sa sariling koleksiyon na Outfit of the Day ni Kimberly Sue Chiu o #OOTDKSYC (OOTD) looks.
Nakitang suot niya ang mga ito sa mga naging programa niya at posted din ito sa kanyang Instagram (IG) account.
Tsika ng aming source, “Bakit may damit si Lakam na nasama? Kaya may buyer na pumakyaw ng mga damit ng ate ni Kim, tapos isinauli kay Lakam. ‘Di ba, nakakatawa?”
Wala namang binanggit kung mga supporters ng aktres ang pumakyaw sa mga damit ni Lakam.
“Hindi raw kasi size ni Kim. Eh, parang namukhaan na damit ni Lakam daw,” sey ng aming source.
Baka noong nagplano si Kim na magkaroon ng Kim Chiu Closet Bazaar 2026 ay bati pa sila ng Ate Lakam niya at nagsabi ito na isama rin ang ibang gamit niya na hindi na rin ginagamit.
Sa madaling salita, matagal nang nasa box ang mga ito at hindi na rin siguro tsinek ng aktres.
Anyway, balitang iniurong na ni Kim ang kasong qualified theft sa Ate Lakam niya na isinampa niya noong Disyembre 2, 2025 sa Office of the Assistant City Prosecutor sa Quezon City (Justice Cecilia Muñoz Palma Hall, DOJ - Department of Justice Building).
Pero hindi pa rin ayos ang magkapatid, sabi ng aming source.
“‘Di totoong okay na sila. Wala nga si Lakam sa mga family gatherings,” sabi pa.
Matulungin kuno, pero iba sa likod ng kamera…
STAFF NG AKTRES NA MAY ONLINE BUSINESS, WALANG SSS, PAG-IBIG AT PHILHEALTH
BLIND ITEM:
TRULILI kaya na walang benepisyo ang mga staff ng kilalang aktres na may online business?
Nalaman ng isa sa mga staff ng kilalang aktres sa kaibigan niyang nagsisilbi rin sa kilalang personalidad na nagpapasalamat sila kay ‘Ma’am’ dahil may benepisyo raw sila tulad ng SSS (Social Security System), Pag-IBIG at PhilHealth.
Bukod dito ay may bonus at 13th month pay pa.
Nagulat siyempre ang staff ng kilalang aktres dahil halos nasa 10 silang staff pero ni isa sa mga nabanggit na benepisyo ng kaibigan niya ay wala sila, maliban sa 13th month pay. Pero kapag maraming benta ay may bonus naman daw sila.
Nagulat kami nang malaman namin ito dahil nakilala ang aktres na matulungin sa mga nangangailangan. Bakit pagdating sa mga naninilbihan sa kanya ay tila malayo ang kanyang tingin?
Binalikan namin ang aming source na baka gumagawa lang ng kuwento ang staff ng kilalang aktres.
“Hindi, may mga nagpatunay na rin na iba ang ugali n’ya sa harap ng kamera at sa likod ng kamera,” mariing sabi ng aming kausap.
Kung totoo nga ito, nalungkot kami, sa totoo lang.
NAGKAISA ang PlayTime Entertainment at iWant ng ABS-CBN Corporation upang gumawa ng mga orihinal na programang Pilipino, simula sa romantic comedy na Will You Fake Marry Me? (WYFMM) na pinagbibidahan nina JM Ibarra at Fyang Smith, at Sparks Camp Season 4 (SCS4).
Ang pagsasamang ito ang una sa ilang proyektong naglalayong maghatid ng de-kalidad na nilalamang lokal na tatatak sa mga Pilipinong manonood.
“Ang pakikipagtulungang ito sa PlayTime Entertainment ay nagbibigay-pahintulot na kami ay gumawa ng mas maraming kuwento, lalo’t higit ay itaas ang kalidad ng mga programa,” pahayag ni Jolly Estaris, Head ng iWant.
Sabi pa, “Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng aming mga creative expertise at ng pangako ng PlayTime Entertainment sa paghahatid ng mga makabagong istorya, patuloy kaming magbibigay ng mga nilalamang akma sa mga Pilipinong manonood habang itinataas ang pamantayan para sa local entertainment.”
Sa hinaharap, sinabi ng PlayTime Entertainment na nais nitong palawakin ang pakikipag-ugnayan nito sa iWant sa pamamagitan ng pagbuo ng mas maraming orihinal na produksiyon sa iba’t ibang genre, paglikha ng mga kuwentong nakaaaliw, nagdudugtong sa mga manonood, at sumasalamin sa magkakaibang karanasan ng mga Pilipino.





Comments