top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Init sa Death Valley, French tourist dedo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 37 minutes ago
  • 1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | August 26, 2026



Ang Death Valley sa California ang isa sa mga lugar na may mainit na temperatura na kayang umabot sa 49°C - AP

Photo: Ang Death Valley sa California ang isa sa mga lugar na may mainit na temperatura na kayang umabot sa 49°C - AP



Patay ang isang 68-anyos na French tourist matapos ma-stranded sa Death Valley, California, kung saan umabot sa 46.6°C (116°F) ang temperatura.


Kinilala ang biktima na si Pierre Michel Formosa, na natagpuan ng mga pulis matapos ma-stuck sa putik ang kanilang sasakyan sa West Side Road.


Kasama ang isang French travel companion, naglakad si Formosa upang humingi ng tulong. Ngunit matapos ang tinatayang 1.3 milya o mahigit 2 kilometro, hindi na niya kinayang magpatuloy dahil sa matinding init.


Nakapagpa-hinto ng isang motorista ang kanyang kasama at nakahingi ng tulong. Kalaunan, natagpuan ng mga ranger at pulis si Formosa, na idineklarang patay sa lugar.

Ayon sa National Park Service, coroner ang tutukoy sa sanhi at paraan ng kanyang pagkamatay.


Kasalukuyang may extreme heat warning sa Death Valley, na kilala bilang “hottest place on Earth.” Naitala rito ang temperaturang 57°C (134°F) noong 1913.


Samantala, nagbabala ang National Weather Service na mararanasan ng Southern California ang pinakamainit na linggo ng tag-init ngayong taon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page