top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Inismol, rumesbak kay Roque… "I AM THE COMEDIAN. YOU ARE THE CLOWN" — VICE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 22, 2021
2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | January 22, 2021





Nakahanap ng tiyempo ang Unkabogable Star na si Vice Ganda para mag-react sa statement ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may kinalaman sa ituturok na COVID-19 vaccine sa mga Pinoy.


Una naming naisulat dito sa aming kolum sa Bulgar ang tweet ni Vice bilang reaksiyon niya sa statement ni Roque na 'wag maging choosy ang public sa kung ano'ng brand ng vaccine ang gusto nilang makuha from the government.


Tweet ni Vice last Jan. 12, "Sa sabong panlaba nga, choosy tayo, eh, sa bakuna pa kaya. Ano 'to, basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!”


Pinalagan ni Roque ang tweet ni Vice at sinabing mali na ikumpara ang bakuna sa sabong panlaba. Kung hindi raw pagtitiwalaan ang mga experts, sino naman daw ang ating pagtitiwalaan?


“Siguro po, hindi mga komedyante," patutsada pa ni Roque kay Vice.


Sa Tawag ng Tanghalan segment ng It's Showtime noong Miyerkules, napunta ang usapan ni Vice at ng kasamang host sa Kapamilya noontime show na si Jhong Hilario tungkol sa clown habang iniinterbyu ang isa sa mga contestants na si Makki Lucino.


Si Lucino ay isang stand-up comedian at sa kanyang performance para sa pag-"resbak" sa TNT competition ay kinanta niya ang awiting Clown.


Say pa ni Lucino, naka-identify daw kasi siya sa inawit niya na kailangan, laging mukha siyang masaya sa panlabas sa kabila ng kinakaharap niyang personal problems.


Inayunan naman siya ni Jhong dahil ganu'n din naman daw sila na mga hosts ng It's Showtime every time humaharap sila sa madlang pipol.


Pagkatapos ay nagbigay naman ng kanyang opinyon si Vice.


"Basta ako, tsk, hindi ako clown," sabi niya na may paseryosong mukha.


"I'm a comedian," sabay kagat sa kanyang nakalabas na kapirasong dila.


"At may kilala akong clown....hahaha!" ngiti ni Vice kasunod ang pagturo pa ng daliri niya sa TV screen.


"I am the comedian. You are the clown. Hahaha!"


As expected, may kani-kanyang opinyon din d'yan ang mga netizens.


"Deserved. Akala siguro ni Roque, siya lang ang may karapatang magsalita!"


"Clowns: Excuse me lang, huh? Marangal ang trabaho namin."


"Ay, naku, 'di talaga aasenso ang 'Pinas, lahat na lang, kailangang may pagtatalong ganap."


Samantala, nagsimula na rin ang Queen of Teleserye Theme Songs na si Angeline Quinto bilang isa sa mga hurado sa Tawag ng Tanghalan portion ng It's Showtime.


Humanga si Vice sa komentaryo ni Angeline sa mga contestants. At pagkatapos, biniro pa ni Vice si Angge (palayaw ng singer) kay Erik Santos na mentor ng isa sa mga contestants ng TNT.


Mababasa naman sa mga comments ng mga netizens kung gaano sila kasaya at lalong naging excited na tumutok sa It's Showtime sa pagiging hurado ni Angeline.


"Angge is a perfect judge for the show. Her comment is purely based from her wisdom not the typical overused words."


"Ang galing ni Angge (Angeline's pet name) maging hurado."


"Galing ni Angeline, sana, d'yan ka na lang lagi hanggang nand'yan na rin si Erik (Santos)."


"Nakakatuwa kayong panoorin, Angge and Erik at Showtime family. Nakakawala ng stress."


'Yun, oh!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page