top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Inismol ng netizens, nasaktan… VICE, TUMULONG NA NG P20 K KAY ATE GAY, NAOKRAY PA

  • BULGAR
  • Sep 19, 2021
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 19, 2021



Inamin ni Vice Ganda na na-hurt siya sa mga netizens na nang-bash sa kanya matapos siyang tumulong sa isang tao. Bagama’t hindi na tinukoy ng Unkabogable Star kung sino ang tinutukoy, obvious na si Ate Gay ito na matatandaang binigyan niya ng financial help noong magkasakit ito.


“May natulungan ako. Hindi ko ipinagmalaking tinulungan ko pero ‘yung tinulungan ko, sinabi niyang tinulungan ko siya. Tapos, inilabas niya kung magkano ‘yung itinulong ko sa kanya. Tapos, nabasa ko sa mga comments, ‘Ha? Ganu'n lang pala ibinigay ni Vice Ganda, P20,000 lang?'” pahayag ni Vice Ganda sa episode ng It’s Showtime.


Patuloy pa niya, “Napalunok ako. Kapag ako ba ‘yung tumulong, dapat may presyo? Tumulong na ako nang kusa, ayoko nga magpa-acknowledge kaya hindi ko sinasabi, pero ‘yung inilabas mo ‘yung pangalan ko, tapos inokray pa ako ‘Bakit P20,000 lang ang ibinigay?’ nasaktan ako.”


It could be recalled na inilabas nga ni Ate Gay ang mga pangalan ng lahat ng tumulong sa hospital bill niya noong nagkasakit siya last April at isa nga rito si Vice. Nakalagay din ang presyo kung magkano ang ibinigay ng TV host/comedian na P20,000.00 nga.


Pero ang nangyari, matapos niyang tumulong, minasama pa ito ng ibang tao at naliitan pa sa kanyang ibinigay.


“Kapag hindi ka tumulong, parang ang sama-sama mo, ‘pag tumulong ka, kukuwestiyunin pa. ‘Bakit 'yun lang itinulong mo?’ That hurts,” ani Vice.


Humingi naman kaagad ng paumanhin si Ate Gay matapos ang paglalabas ng hinanakit ni Vice.


Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay sinabi ng host-manager na nagkausap sila ni Ate Gay at ipinararating kay Vice Ganda ang pagso-sorry nito.


“Kausap ko siya (Ate Gay), tapos, sinabi niya na ‘Uy, pakisabi naman kay Vice, I’m very, very sorry. Patawarin niya ako. Alam kong pangit ang ginawa ko, pero gusto ko lang sabihin sa kanya na hindi ko na uulitin,’” kuwento ni Ogie.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page