top of page
Dennis, Claudia at Basti - Circulated.jpg

Inilabas kasabay ng birthday ng ex-BF… ANDREA, PINATAMAAN SA KANTA NIYA SI RICCI NANG IPAGPALIT KAY LEREN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 29
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May 29, 2026



Inilabas kasabay ng birthday ng ex-BF… ANDREA, PINATAMAAN SA KANTA NIYA SI RICCI NANG IPAGPALIT KAY LEREN

Photo: IG _enriquegil17




Bistado si Andrea Brillantes ng kanyang mga followers kung sino ang tinutukoy sa lyrics ng bago niyang kanta, ang Laguna.


Gamit ang pangalang Ramona bilang alter ego ni Andrea, naglabas na ng patikim na dalawang linya.


Pero kahit dalawang linya pa lang ng kanta, ramdam na agad ng mga netizens ang pinaghugutan ni Andrea na obvious daw na patama sa ex-boyfriend niyang si Ricci Rivero at sa ex-girlfriend nitong si Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista.

Matatandaan na natsismis dati na si Leren ang naging third party sa hiwalayan nina Andrea at Ricci.


Sabi sa kanta, “Kumusta d’yan sa Laguna? Nag-e-enjoy ka ba kasama s’ya?”

At sa chorus, gets na gets ng mga faney ni Andrea ang linya na ‘lalalalalaba laba’. 

Dahil ito sa isyung hindi umano naglalaba ng mga damit si Ricci at itinatambak ito.

Sey ng mga netizens…


“Oooooh, I loveee the shade. Bwahahaha! Ms. Laguna.”

“Blythe’s ex (RR) and Ms. Laguna (LMB).”

“We all know what it means. Go, Ramona, tell them.”

“Yes, let them burn.”


“Nice naman, may mga nakatagong lyrics na s’ya sa mga previous issues and pains n’ya sa past. Mabuti at inilabas na isa-isa sa baul. Hahaha!”


Dagdag pang intriga ng mga netizens ay ipinost daw ni Andrea ang short video clip ng Laguna sa mismong kaarawan ni Ricci.

Komento pa ng mga fans:


“Parang ang lakas mong mang-asar, Baby Blythe, ah? Hahaha! At kasabay pa talaga ng birthday ni Laguna boy.”


“HELL, YEAH! HAHAHAHAHA. ON HIS BIRTHDAY PA TALAGA.”

“Blythe posting this on Ricci’s birthday is so funny.”


At the same time, marami ang pumuri rin kay Andrea bilang singer-composer.

“OMG rocker version ni Taylor Swift??? Love it!!!”

“It’s giving Yeng vibe and I like it.”

“Ramona slayyy.”

“Well, she said all her songs are the songs she wrote a few years back and now it’s coming to life. As an artist, you air your views through art and music is art. We listen to Taylor Swift, Sabrina and Olivia who wrote about their exes, why can’t she do so?”


Kunsabagay, uso na talaga ‘yan. Ginagawa ‘yan nina Taylor Swift, Olivia Rodrigo and Sabrina Carpenter. Nagsusulat talaga sila ng kanta about their past relationships. Why not? 

Ramona nga naman. Tumpak!





Dahil sa success sa Coachella…

BINI, GUSTONG GAWING TOURISM AMBASSADOR NG ‘PINAS



IKINO-CONSIDER ang P-pop girl group na BINI ng Department of Tourism (DOT) na maging tourism ambassadors ng bansa.


Ang naging basis daw ng ahensiya sa kanilang pagpili for consideration ay ang matagumpay na appearance ng BINI sa Coachella.


Plano raw kausapin ng DOT nang personal ang nation’s girl group. 

Bago pa ‘yan, ang BINI rin ang pinagkatiwalaan ng ABS-CBN para awitin ang bagong digital campaign na Together Forever. Inawit ng BINI ang Dahil Sa ‘Yo sa sarili nilang bersiyon.


Handog ng ABS-CBN ang Together Forever campaign para ipagpatuloy ang layunin ng kumpanya na maabot ang serbisyo nito sa mas maraming tao sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng pagpapalawak sa online platforms nito.


Damhin ang kuwento ng mga Pilipino sa Dahil Sa ‘Yo music video ng BINI at tumutok sa Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) channel, ang most subscribed media at entertainment channel sa Southeast Asia na may 54.8 milyong subscribers.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page