top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Ingat sa pini-friend online.. Sawi sa pag-ibig, target ng scammers

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 8, 2023
  • 1 min read

ni BRT @News | September 8, 2023




Pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na maging maingat sa mga nakikilala sa social media upang hindi mabiktima ng 'love scam' o sindikato na paiibigin ang biktima hanggang sa matangayan ng pera.


“Ang profile ng mga binibiktima nila is 35 above, ‘pag nakita nila medyo emotionally unstable ang love life mo, 'di maganda, papasukan ka nila. Dapat maingat tayo du'n sa mga pini-friend natin online,” payo ni Undersecretary Gilbert Cruz, hepe ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).


Kaugnay nito, natuklasan ng mga awtoridad na mukha ng mga sikat na artista at influencer ang ginagamit na profile photo ng grupong nagsasagawa ng love scam na mga dayuhan ang binibiktima.


Ito ang natuklasan ng PAOCC nang suriin ang nasa 3,000 cellphones na nakumpiska sa isang cyberscam hub sa Pasay City na ni-raid noong Agosto.


Ginagamit umano ng sindikato ang mga larawan ng artista at influencer bilang profile photo sa mga ginawa nitong social media account upang makapang-engganyo ng mga dayuhan sa iba't ibang bansa.


“Some of them, influencers and endorsers, pinapalitan lang ang pangalan,” ani Cruz.


Kapag nakuha na ang loob ng biktima, hihingan na ito ng pera ng sindikato na kunwari ay aalukin ng negosyo.


Ayon sa PAOCC, inaalam nila kung saan napupunta ang pera na nakukuha ng grupo sa mga biktima.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page