top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Sakripisyo ng mga guro, suklian ng tunay na suporta

Writer: BULGAR
BULGAR
2 days ago
1 min read

by Info @Editorial | November 21, 2026



Editoryal, Editorial


Nakaaantig ngunit nakagagalit ang araw-araw na sakripisyo ng ilang guro na dumaraan sa gilid ng bangin upang makarating sa paaralan ng mga estudyanteng katutubo.


Hindi dapat gawing romantikong kuwento lamang ang kanilang katapangan. Sa bawat delikadong hakbang, malinaw ang kakulangan ng ligtas na daan at sapat na suporta sa mga gurong naglilingkod sa liblib na komunidad.


Handang magsakripisyo ang mga guro para hindi mapagkaitan ng edukasyon ang mga batang katutubo. Ngunit hindi nangangahulugang dapat silang hayaang isugal ang kanilang buhay araw-araw.


Kailangang kumilos ang pamahalaan—magpatayo ng ligtas na daan, maglaan ng maayos na transportasyon at tiyaking may sapat na proteksiyon at benepisyo ang mga gurong nakatalaga sa malalayong lugar.


Ang edukasyon ay karapatan, hindi pribilehiyo. At ang pagpasok sa paaralan ay hindi dapat maging buhay o kamatayang paglalakbay para sa guro man o estudyante.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page