top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Ingat sa mga vlogger na scammer

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 16, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 16, 2023


KAPAG SA 2027 WALA NANG NAGUGUTOM NA PINOY, SURE WIN ANG ‘MAMANUKIN’ NI P-BBM SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION -- Gumawa ng executive order si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na nagdedeklarang “flagship program” o pangunahing programa ng kanyang administrasyon ang “Walang Gutom 2027 Food Stamp Program” na ang ibig sabihin ay patuloy na magbibigay ng food stamp ang kanyang pamahalaan sa mga mahihirap na Pinoy sa bansa.


Kaya kapag pagsapit ng year 2027 ay wala nang nagugutom na Pilipino, sure win na ang sinumang “mamanukin” ni P-BBM sa 2028 presidential election, period!


◘◘◘


ANG SERBISYO SA BAYAN AT MAMAMAYAN DAPAT ‘DI CONFIDENTIAL KASI KUNG CONFIDENTIAL HINDI PUBLIC SERVICE ‘YAN KUNDI SELF-SERVING -- Sa lahat ng mga pulitiko, ang serbisyo sa bayan at mamamayan ay dapat hindi secret, hindi confidential.


Kasi kung confidential ang gagawing paglilingkod, hindi public service ang tawag d’yan, kundi self-serving.


Ang nais nating ipunto rito ay huwag nang bigyan ng mga senador ng confidential funds ang mga trapo (traditional politicians) na nanghihingi ng confi funds, kasi dahil hindi naman nau-audit ang pera ng bayan na nasa confidential funds ay baka hindi nila gamitin ‘yan na pang-public service, kundi pang-self-serving, boom!


◘◘◘


MAG-INGAT SA MGA SCAMMER NA VLOGGERS -- Mag-ingat sa mga sikat na vloggers sa social media na nanghihikayat sa kanilang followers na mag-invest sa kanilang mga negosyo.


Tulad na lang ng sikat na mag-dyowang vloggers na sina Yexel Sebastian at Mikee Agustin, ang dami pala nilang na-scam umano na overseas Filipino workers (OFWs).


Umabot sa higit P200 milyon daw, na ang ginawa ay lumabas ng bansa, nagtungo sa Japan dahil hinahabol na sila ng kanila raw mga na-scam.


May kakapalan din naman ng mukha ang mag-dyowang vloggers na ito, kasi mantakin n’yo, madalas nilang ipinagyayabang sa social media ang kanilang kayamanan, ‘yun pala ang kanilang kayamanan ay galing sa pang-i-scam umano sa mga kaawa-awang OFWs na kanilang mga naloko, mga buset!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page