top of page
Search
  • BULGAR

Ingat sa hijack profile scam

@Editorial | April 26, 2024



Editoryal


Talamak pa rin ang iba’t ibang modus online. Talagang namamayagpag ang mga scammer at hindi nauubusan ng istayl sa panloloko.


Nito lang, nagbabala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Cybersecurity sa publiko laban sa scam na kilala bilang hijack profile scam o social media account takeover.


Sa hijack profile scam, ninanakaw ng cybercriminals ang isang social media account saka gagamitin ito para magpanggap na account holder saka makikipag-ugnayan sa contacts ng may-ari sa pamamagitan ng pagpapanggap na nagigipit saka manghihingi ng pinansyal na tulong.


Ginagawa ito ng fraudster sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan tulad ng social engineering, hacking at phishing para makuha ang access sa profile.


Nagbabala rin ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa publiko laban sa reward scams at hinimok ang lahat na iwasang mag-click ng kahina-hinalang links.


Sakaling makatanggap ng message na humihingi ng tulong, mas mainam siguro na tawagan o i-video call ang account para sure. Hindi sa nagpipigil tayong tumulong, kailangan lang nating makasiguro na hindi nagagamit ng scammer ang ating pamilya o kaibigan.


Sa panahon ngayon, kung matalino ang mga scammer, dapat ay maging wais naman tayo para ‘di mabiktima.


Panawagan naman sa mga otoridad, triple-kayod pa sa paghabol sa mga scammer.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page