Ingat na ingat, pang-display lang… P1.3M HERMES BAG NI CARLA, PANG-TUITION FEE NG MGA ANAK
- BULGAR

- 5 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | April 13, 2026

Photo: Carla Abellana - YT
First time ipinakita ni Carla Abellana ang kanyang walk-in closet sa kanyang bahay. Ang ganda ng pagkakaayos ng kanyang mga gamit at ang dami niyang gamit mula sa shoes, bags, jewelry, atbp..
Kasamang ipinakita ni Carla ang mga damit ng asawang si Dr. Reginald Santos at nagbiro ito na naaawa siya sa asawa dahil nasa isang section lang ng closet ang mga damit nito. Pero may mga damit pa raw ang husband niya sa drawer ng kanilang master’s bedroom.
Itinuro rin ni Carla ang naka-display na Hermes Birkin 30 bag na nasa itaas ng cabinet.
“‘Yung Hermes Birkin 30 gold na nasa tuktok, iniingatan ko, kaya ‘di ko masyadong ginagamit. Masyadong valuable s’ya. Pang-tuition fee ‘yan ng mga magiging anak ko in the future. Naka-display s’ya sa ngayon,” sabi ni Carla.
Dagdag pa nito, ang mga viewers na lang ang bahalang alamin kung magkano ang Hermes Birkin 30 bag na iniingatan niyang mabuti dahil nga pang-tuition fee (TF) ng mga magiging anak nila ng asawa.
Sinunod namin si Carla, we checked sa tulong ng Google kung magkano ang nasabing bag.
Sabi ni Google, over one million ang price nito sa market at baka mas tumaas pa in the future. May nag-Google naman at ang sagot ay between P770K to P1.3 million ang price ng bag.
Pinansin ng mga netizens na glowing si Carla Abellana and she looks happy and very pretty. May nag-comment nga ng “Lovin’ how healed and open she is nowadays” at may ilang nag-comment na sana, magkaanak na sila ng husband niya para kumpleto na ang pamilya nila.
Parehong walang dyowa, sinubukan ang lahat…
HEAVEN AT MIKEE, NAGPAKALIGAYA SA HAWAII
SOBRANG nag-enjoy sa kanilang Hawaii vacation ang magkaibigang Mikee Quintos at Heaven Peralejo. Hindi lang sila nagpunta sa tourist spots sa Hawaii, kundi adventurous sports ang kanilang sinubukan na hinangaan ng mga nakapanood ng reels at photos.
Nag-skydiving ang magkaibigan, 18,000 feet ang kanilang nilipad at binagsakan.
Sabi ni Mikee sa caption ng kanyang post: “18,000 ft jump for my first time.”
Ayon naman kay Heaven, “14,000 ft. above Hawaii, 45 seconds that changed my brain chemistry. With @gojump_hawaii — hands down the best experience.”
Kasunod nito, nag-surfing din sina Heaven at Mikee.
“You’re in your 20s... surfing in Hawaii. Life is insane,” caption ni Heaven sa kanyang post.
Wala itong masyadong sinabi at ipinaalam lang na sa Kihei, Maui sila nag-surfing.
Nagulat ang mga fans dahil hindi nila alam na kakasa sa skydiving sina Heaven at Mikee at hindi nila alam na marunong sila sa surfing. ‘Kaaliw ang comment na nag-zoom sila para mas malinaw nilang makita ang dapat nilang makita sa dalawa na super-sexy sa kanilang suot na swimsuit.
Mukhang marami pang adventures na gagawin ang dalawa habang nasa Hawaii, at sinusulit nila ang kanilang bakasyon.
May mga naengganyo nang magbakasyon din sa Hawaii at gawin ang ginawa ng magkaibigan para ma-feel ang adrenaline rush na naramdaman ng dalawang aktres habang nasa alapaap at habang nasa dagat.
May nag-comment din na pabor kina Heaven Peralejo at Mikee Quintos na pareho silang single, walang bitbit na boyfriend sa kanilang bakasyon at walang magbabawal sa mga gusto nilang gawin.
EXCITED na ang Blooms (tawag sa mga fans ng BINI) sa pagbabalik sa bansa ng P-pop group after their very successful Coachella performance. Mapapanood sila ng kanilang mga fans dahil dito ang kick-off ng kanilang SIGNALS World Tour.
Sa June 20, 2026 sa MOA (Mall of Asia) Arena ang SIGNALS World Tour at susundan ng concert sa Seaside Cebu Arena sa Cebu sa July 11.
In-announce na rin ang tour nila sa USA, Canada, Netherlands, Italy, France, United Kingdom, Singapore at Taiwan. Baka madagdagan pa ang kanilang schedule dahil maraming Blooms ang nagre-request na pati sa bansa nila ay pumunta ang BINI.
And speaking of BINI, nai-report ni MJ Felipe na nakasama ang grupo sa Vogue’s list of Best Celebrity Coachella outfits. Kasama sa list sina Sabrina Carpenter, Teyana Taylor, Katseye, Joe Jonas at marami pang iba.
Sunud-sunod din ang invitation sa BINI after ng Coachella. Ipinakita rin ni MJ ang dami ng Blooms na naghintay sa grupo. Idagdag na rin ang announcement ng Billboard USA na bibigyan sila ng Global Force Award sa kanilang Women in Music event. Mangyayari ito sa April 29, 2026 sa Hollywood Palladium.




Comments