ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 11, 2023
Ipinakiusap ng mga health officials sa publiko na mag-ingat sa panahon ng mga pista at okasyon dahil tumaas ng 258.93 porsyento ang mga kaso ng sakit na katulad ng influenza sa Negros Occidental ngayong taon.
Ayon kay Dr. Ma. Girlie Pinongan, provincial health officer, mayroong 2,211 kaso ng influenza-like illness na iniulat mula Enero 1 hanggang Disyembre 2 ngayong taon sa 31 bayan at lungsod ng Negros Occidental kumpara sa 616 na kaso noong 2022.
Naitala ang pinakamaraming kaso sa bayan ng Isabela na may 1,680, sinusundan ng San Carlos City na may 129; Murcia, 80; Bago City, 57; Talisay City, 50; Hinigaran, 20; Cadiz City, 19; at Don Salvador Benedicto, Silay City, at Victorias City na may 16 bawat isa.
Sinabi ni Pinongan na hindi gaanong malubha ang mga kaso at karaniwang bunga ng pagbabago sa kundisyon ng panahon.
Gayunpaman, aniya, dapat iwasan ng publiko ang malapitang pakikipag-ugnayan sa mga taong may sintomas ng sakit na katulad ng influenza.
Kinikilala ang nasabing sakit sa pamamagitan ng fever, fatigue, cough, sore throat, at body aches.
Comments