Indian, initak ng holdaper, utas

ni Gina Plenago @News | October 28, 2026

Photo: Circulated
Patay ang isang Indian national matapos pagsasaksakin ng itak nang manlaban sa holdaper sa Brgy. Alabang, Muntinlupa City nitong Lunes ng umaga.
Naaresto sa follow-up operation ng Southern Police District (SPD) ang 50-anyos na suspek na si alyas Jun, na kamakailan lamang nakalaya sa bilangguan.
Narekober sa suspek ang duguang itak at sling bag ng biktima na naglalaman ng P750.
Nanawagan si SPD Director P/BGen. Rodel Pastor sa publiko na agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad.





Comments