India, inako ang metal dome sa dalampasigan ng Australia

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | August 2, 2023

Inako ng India na pagmamay-ari umano nila ang bagay na inanod sa dalampasigan ng Western Australia.
Ang natagpuang giant metal dome ay bahagi umano ng isa nilang rockets. Ayon kay Sudhir Kumar, ang tagapagsalita ng Indian space agency, bahagi umano ng kanilang Polar Satellite Launch Vehicle (PSLV) ang natagpuan sa dalampasigan.
Matatandaang inanod din sa dalampasigan ng Green Head beach noong Hulyo ang nasabing giant metal Dome kung saan walang ideya ang mga awtoridad sa Australia kung para saan ito.





Comments