Inday at Habagat, humagupit... 10 nalibing nang buhay
- BULGAR

- 55 minutes ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | July 11, 2026

Photo: Dulot ng bagyo - MDRRMO-Datu Odin Sinsuat
Sampung indibidwal ang nasawi habang tatlo pa ang nawawala matapos matabunan ng gumuhong lupa ang dalawang bahay sa Sitio Blesong Fundao, Brgy. Poblacion, Malapatan, Sarangani kahapon.
Ayon sa ipinadalang report sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), natabunan ng lupa ang mga bahay ng mga pamilyang Maladian at Yaton na itinayo sa gilid ng bundok.
Ayon sa mga awtoridad, dulot ng malalakas na pag-ulan na naranasan sa lugar simula pa nitong Biyernes ng umaga ang pagguho ng lupa.
Naniniwala rin ang mga opisyal na humina ang pundasyon ng lupa bunsod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa lugar noong Hunyo 8, kasabay ng ilang araw na tuloy-tuloy na pag-ulan.
Bukod sa landslide, nakaranas din ng pagbaha nitong Huwebes ng gabi ang mga barangay ng Sapu Padidu, Sapu Masla at Libi.
Ayon sa MDRRMO, nasa 115 pamilya ang inilikas at pansamantalang nanunuluyan sa tatlong evacuation centers.





Comments