INC, magkakasa ng three-day rally sa EDSA People Power Monument
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
by Info @News | November 5, 2025

Photo: INC-NU
Nagpaplano ang Iglesia Ni Cristo (INC) na magsagawa ng tatlong araw na rally sa People Power Monument sa Quezon City mula Nobyembre 16 hanggang 18, kung saan libu-libong miyembro ang inaasahang sasali.
Sa isang liham sa pamahalaan ng Quezon City, humingi ang grupo ng pag-apruba at logistical support para sa isasagawa nitong "Peaceful Rally for Transparency".
"The activity will be a peaceful and orderly public assembly, intended to promote transparency and accountability in governance and society," ayon sa INC.
Tiniyak naman ng INC na magiging mapayapa at maayos ang pagtitipon.








Comments