INC at Katoliko, tapatan sa halalan
- BULGAR
- May 6, 2022
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | May 6, 2022
MAUGONG ang ulat kaugnay ng ilang kaso ng mga depektibong Voter’s Counting Machines (VCMs) at servers.
Halos tatlong araw na lang ay eleksyon na pero walang linaw kung paano ito mareresolba.
◘◘◘
DAPAT ay maaksiyunan ito agad o magbigay ng malinaw na impormasyon ang Comelec upang matiyak ang maayos at malinis na eleksyon sa Lunes.
Dapat ay garantiyahan ng mga eksperto kung genuine ang source code na ipinatago sa Bangko Sentral mula sa Smartmatic.
◘◘◘
MAY mga nagsasabing walang kakayahan ang Comelec na matiyak na garantisado o walang ibang kopya ang naturang source code na siyang “command” sa operation ng VCMs.
Hindi kasi nagbibigay ng pahayag ang komisyoner na nakatoka sa isyung ito.
◘◘◘
MARAMI ang nangangamba sakaling hindi maiayos ang mga depektibong VCMs dahil magbubunsod ito ng “failure of election”.
Delikadong magkaroon ng kaguluhan tulad sa nararanasan ng ibang bansa.
◘◘◘
PARA maiwasan ang aberya sa eleksyon, inirerekomenda ni dating Information-Communication Technology secretary Eliseo Rio na ilantad sa publiko ang Random Manual Audit (RAM).
Ipagamit sa precinct inspector-teachers digital signatures (passcodes) sa pagbubukas at pagpapatakbo ng VCMs .
◘◘◘
MAGLAAN din ng mga dropboxes para sa voter receipts (Voter-Verified Paper Audit Trail) na puwedeng magamit para sa public manual recount sakaling magkaroon ng pagdududa.
Dapat ding palayain ang print, broadcast at social media na sumaksi upang maiwasan ang electronic manipulation via quick count and exit poll.
◘◘◘
PINAKAGRABENG sitwasyon din ay sakaling magkaroon ng malawakang blackout o pagkawala ng serbisyo ng elektrisidad sa araw mismo ng eleksyon.
May nakahanda bang power generator sa lahat ng election precincts?
Dapat ay masagot ito nang maayos ng Comelec para sa isang malinis na halalan sa Lunes.
◘◘◘
ANG negatibong epekto ng pandemic at giyera ng Russia at Ukraine ay higit na magiging grabe sakaling magkaaberya sa halalan.
Maunawaan sana ito ng lahat.
◘◘◘
SINASABING hindi nagkaroon ng maayos na clearance ang electronic voting process mula sa reputable institution.
Walang maayos na paliwanag dito ang kinauukulan.
Eh,baket?
◘◘◘
IDINEKLARA na ng liderato ng Iglesia Ni Cristo ang pag-endorso sa tandem nina BBM at Meyor Sara.
Pero, tinapatan naman ito ng ulat na suportado ng daan-daang pari at Obispo si VP Leni.
◘◘◘
MAINIT na mainit na ang girian kaugnay ng eleksyon sa Lunes.
Ipagdasal nating walang dadanak na dugo at maging mapayapa ang ating bansa.








Comments