top of page

Inawat sa away kay Daniel… KATHRYN, SI KYLE ANG KASAMANG UMALIS SA ABS-CBN BALL AFTER PARTY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 8
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Apr. 8, 2025



Photo: Kathryn Bernardo at Kyle Echarri - Circulated, Instagram


May nagpapakalat lang umano ng masamang balita hinggil kay Kyle Echarri.  

Ani ng netizens, bakit daw magkakasamang umalis sa after party ng ABS-CBN Ball sina Kyle, JK Labajo, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Kathryn Bernardo at Piolo Pascual?


Ito’y kaugnay nga ng balitang kinompronta umano ni Daniel Padilla si Kyle dahil hindi nagustuhan ang ginagawa ng young actor sa kanyang ex-girlfriend na si Kathryn.


Komento ng ilang netizens, “May nagpapakalat ng maling story about kay Kyle. If ginawa ni Kyle kay Kathryn ‘yun, ba’t sila umalis nang magkakasama? Kay Daniel ang issue d’yan.”  


“Kasi nga ‘di ba, touchy daw si Kyle kay Kath kaya biglang to the rescue ‘yung isa. Eh, ba’t sasama si Kath kay Kyle if ganu’n ang nangyari?.”  


“Kasi kung may foul na ginawa si Kyle, bakit kasama pa rin siya ni Kathryn at nakaalalay siya? Sa video, kasama rin nila ‘yung GF ni JK, Star Magic manager, ‘yung isang road manager ni Kathryn & ‘yung nasa side, si Ms. Dolly de Leon! Lately kasi, super close ni Kyle kay Kath. Check n’yo IG ni Kathryn, ‘yung nasa boat sila ni Ms. Dolly, Rambo Nuñez, Maymay, etc... nandu’n si Kyle!"  


“Well, if ibe-base n’yo sa video, si Kyle ang kasama ni Kath, meaning to say, hindi totoo na super touchy s’ya. Eh, di sana, nilayuan n’ya. Malamang, may nagselos na ex na ‘yung simpleng harutan ng magkaibigan, minasama ng ex na laos.”  


“Waiting for other versions. Parang hindi ako makapaniwala na binastos ni Kyle si Kathryn, and that Kath allows it. Also, bakit magpapatulong si DJ kay Gutz, eh, kaya naman n’ya talunin si Kyle na s’ya lang. There could be another angle to this story. Si Andrea, maaga din umalis.” 


“Touchy daw si Kyle. Daw. If true, dapat wala nang pakialamanan kasi mag-ex na nga sila. Kulit din ni Daniel, eh.”  


“And kaya raw nasama sa eksena si Richard kasi nauna sumali si JK para i-backup si Kyle, so sumali na rin s’ya for Daniel naman. Ang gulo.”


“Parang ginagawan lang ng issue para umingay ang event.”  

“Kathryn said ‘Tama na.’”  


“May something sa tapik ni Piolo kay Kyle at pagkakasabi ni Kathryn ng ‘Tama na.’”  

“Obviously, may kinalaman ang pagiging malandi and friendly-friendly ni Kyle this time. Hahahaha!” 


“Ang ‘di ko gets, bakit ‘di kahawak at kasabay ni JK si GF n’ya palabas? I mean parang nasa likod na lang.” 


“Pero ang cute nina JK and Dia, at Belle and Donny. Kay JK nakasabay si Belle at si Dia naman kay Donny, nag-switch pero si Donny, si Belle pa rin ang kinakausap."  


“Ito naman kasi si Kyle, feeling dyowa ni Kathryn kung makabakod!”


“Ganyan s’ya sa lahat ng girls. Pero ang weird, ‘no? I mean best friend n’ya si Blythe tapos ngayon, may idine-date si Blythe, biglang super close sila ni Kath. Ang panget lang ng dating. To think na may feud sina Blythe and Kath. ‘Di ba?"  


“Ang tanong ko, bakit si Belle ang akay ni JK. Hahaha!”  


“Nalito na nga sila, tapos ‘yung GF ni JK, nakaangkla kay Donny. Hahaha!”  


“Nasaan na ba ang group of friends nitong si Kathryn, bakit nawala? Bakit sumasama s’ya sa mga Gen Z? LOL (laugh out loud).”  


Hay naku, may kani-kanyang bersiyon ang isyu, later on, lalabas din ang totoo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page