Inatake na ng anxiety… MICHAEL, 22 ORAS NA-TRAP SA KOTSE DAHIL SA BAHA
- BULGAR

- Jul 26, 2024
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 26, 2024

Isa si Michael de Mesa sa mga labis na naapektuhan habang nananagasa ang bagyong si Carina sa Metro Manila nitong nakaraang Miyekules.
Katakut-takot na dusa ang inabot ng veteran actor/director nang ma-stranded sa kalye nang 22 hours matapos ang kanyang taping last Wednesday.
Sa Instagram, ipinaalam ni Michael ang nangyayari sa kanya base sa kanyang series of posts.
Sa unang post ng aktor noong gabi ng Miyerkules, makikita ang larawan niya na nakangiti pa habang nasa loob ng kanyang sasakyan.
Ikinuwento niya sa caption na stranded na siya for 5 hours dahil hanggang bewang ang baha sa kanyang dinaanan at nag-malfunction na ang kanyang kotse.
“Packed up at 2:30pm and have been stranded here for 5 hours. The roads are impassable due to waist-deep flooding, and my car has malfunctioned from the water I had to drive through earlier,” pagbabahagi ni Michael.
Inabot na siya ng gabi sa kalye at hindi pa raw siya kumakain.
“It’s nighttime now, and I haven’t eaten. I guess we definitely shouldn’t have gone to work today,” aniya.
Nag-upload din si Michael ng videos ng baha sa kalsada na kanyang kinaroroonan.
Kahapon nang umaga ay muling nag-post si Michael at nasa kalye pa rin siya. Aniya ay 17 hours na siyang stranded at naiiyak na siya’t nagkakaroon na rin ng anxiety.
“Stranded for 17 hours now coming from taping yesterday. Naiiyak na ako. The tow truck can’t get through, and my anxiety is kicking in. I just want to go home,” aniya.
Makikita sa larawan na malungkot na ang aktor habang nasa sasakyan.
Sa pinakahuling post ng aktor kahapon nang tanghali ay bumalik na ang kanyang ngiti at ibinahagi ang magandang balita na finally ay na-tow na ang kanyang kotse.
“Finally being towed after more than 22 hours of being stuck. Maraming salamat, NJP Towing! A heartfelt thanks to everyone who reached out, sent assistance, and shared their heartfelt messages. I deeply appreciate your kindness and support. My thoughts and prayers are with those in more difficult situations. Stay safe, everyone,” pahayag ni Michael.
Wala sa list ng mga imbitado sa GMA Gala…
NADINE, 'DI MASAMA ANG LOOB SA GMA-7

TINATAPOS na ni Nadine Samonte ang issue sa GMA Gala 2024 kung saan nga ay nagkaroon siya ng hindi magandang karanasan nang wala siya sa list of invited guests gayung imbitado naman siya.
Sa kanyang Instagram post ay sinabi ng aktres na gusto na niyang mag-move on sa pangyayari.
Sinimulan niya ang kanyang statement sa pamamagitan ng pasasalamat sa mga nagmalasakit at sumuporta sa kanya. Siyempre, una sa listahan niya ang kanyang asawa.
“First I would like to say thank you sa lahat ng nagmamahal and nagcacare po sa akin lalo na asawa ko, my family and friends. Appreciated all your sweet messages but this needs to end,” saad niya (as is).
“I would like to move on and look at the brighter side of life,” patuloy niya.
Kasunod nito ay nagpasalamat siya sa GMA Network at sa Sparkle for reaching out to her.
“Thank you Sparkle Family for looking into this matter to prevent any future mishaps . Thank you to my Team and my handler for your relentless love and support.
“Lastly Thank you to GMA and Sparkle for reaching out to me, it truly meant so much,” aniya.
Sa huli ay nilinaw ni Nadine na hindi masama ang loob niya sa kanyang home network.
“Uulitin ko never po naging masama ang loob ko sa network at lagi ko nga sinsbi hindi magkakaroon ng isang Nadine Samonte kung hindi dahil sa GMA and I will forever be grateful for that. Im always proud to be a Kapuso. Lets all spread love. Stay safe and God bless @gmanetwork @sparklegmaartistcenter @itsmenet8,” pagtatapos ng aktres.




Comments