top of page

Inamin kay Luis… JOHN, AYAW KA-LOVE TEAM SI HEART DAHIL MAARTE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 36 minutes ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | July 7, 2025



Photo: John Pratts at Heart - IG


Binalikan ni John Prats ang love team nila ni Heart Evangelista noon.

Ayon sa aktor/direktor, hindi niya agad nagustuhan si Heart dahil sa pagiging maarte nito. Pero naging matagumpay pa rin ang kanilang love team dahil sa maraming fans nila na nakasuporta sa kanila.


Nagbalik-tanaw ang aktor sa kanyang showbiz journey at muling ibinahagi ang ilang hindi malilimutang karanasan—kasama na rito ang pagiging bahagi ng sikat na love team nila noon ni Heart.


Sa panayam sa YouTube (YT) vlog ni Luis Manzano, ikinuwento ng aktor at direktor ang mga nangyari sa likod ng tambalan nila ni Heart, na umusbong sa youth-oriented show na G-mik.


Ayon kay John, hindi siya agad pabor na mapasama sa isang love team noong una dahil gusto niyang mag-enjoy lang sa pag-arte.


Sa G-mik, wala pa siyang ka-love team at hindi niya ito pinoproblema. Ngunit kalaunan ay sinabi raw sa kanya ng pamunuan na kailangan niyang magkaroon ng ka-partner sa screen.


Ilang aktres muna ang ipinareha sa kanya bago nahanap ang ‘perfect match’ at ‘yun nga si Heart Evangelista.


Inamin ni John na nagulat siya nang si Heart ang italaga sa kanya, lalo na’t dati raw ay naiirita siya rito dahil sa pagiging sobrang maarte pagdating sa makeup at gamit.

Magkaibang-magkaiba raw ang kanilang personalidad, kaya hindi niya agad ito nagustuhan.


Sa kabila ng kawalan ng atraksiyon sa umpisa, naging matagumpay pa rin ang kanilang tambalan dahil sa init ng pagtanggap ng mga manonood.


Dahil dito, lumalim ang kanilang tambalan at nauwi pa sa isang tunay na relasyon na tumagal ng halos dalawang taon.


Nang maghiwalay sila bilang on-screen at real-life couple, inamin ni John na dumaan siya sa ilang hamon sa kanyang karera.


Ngunit hindi nagbago ang kanilang pagkakaibigan, at nanatili pa rin ang respeto nila sa isa’t isa. 


Ibinahagi rin ni John ang nakakatuwang pagkakataon na nagtagpo silang muli ni Heart habang nililigawan niya na ang kanyang misis na ngayon na si Isabel Oli.


Hindi raw niya inaasahan na co-star pala ni Isabel si Heart sa proyektong iyon. Laking-gulat niya nang makita si Heart sa set, ngunit sa halip na ilag o awkward na sitwasyon, sinuportahan pa siya ng dating nobya sa panliligaw kay Isabel.

And the rest is history na.



ANG daming negative reaction sa ‘holding hands’ nina Bea Alonzo at Vincent Co ng Puregold.


Sa comment section ng Reddit, may mga akusasyon pa sila sa businessman sa hindi raw magandang trato nito sa kanyang mga empleyado.


Nagbabala pa ang ilang netizens sa aktres na ‘stay away from Vincent’ because they believe that the businessman is a “red flag.”


Narito ang ilang bad comments hinggil sa CEO ng Puregold via Reddit:


"Sana last na, deserve naman na siguro ni Bea mapakasalan."


"I think may nag-spill na masama ugali niyan lalo na sa empleyado. Meron ata na pinapag-boxing n’ya mga employee."


"Hayz, kung totoo man ito, sana nagtino na. Maba-bash na naman si Bea kung hiniwalayan niya kasi paiba-iba raw ng jowa. Mapapahamak naman siya kung gusto pa rin ang utak at hindi niya hiniwalayan. Hope talaga na hindi ito mala-YB o VC."


Sana naman, hindi totoo ang mga ibinibintang ng mga netizens kay Vincent.

Magkagayunman, some netizens hope that Bea had finally found her happiness in a relationship.


At huwag agad na husgahan ang pagkatao ng rumored boyfriend ni Bea dahil siya lang naman ang nakakaalam kung sino nga ba ang isang Vincent Co, aside sa pagiging CEO ng Puregold—the biggest grocery supermarket sa bansa.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page