Inakusahang binayaran ni Discaya ng P10M… BOY: JULIUS AT KORINA, DAPAT IPAGTANGGOL ANG SARILI NILA
- BULGAR

- Aug 26
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 26, 2025

Photo: Boy Abunda - Photo by Mars Santos
Nakapanayam din namin that night sa 37th Star Awards for TV na ginanap sa VS Hotel nu'ng Linggo ang magaling at respetadong host na si Tito Boy Abunda.
Isa si Tito Boy sa mga hosts along with Ms. Pops Fernandez, Robi Domingo, Elijah Canlas and Gela Atayde.
Pero bukod sa pagiging host ng 37th Star Awards for TV, masaya rin ang pusong umuwi si Tito Boy dahil parehong nagwagi ang kanyang dalawang shows, ang Fast Talk with Boy Abunda at Cayetano in Action (CIA) with BA kung saan co-hosts siya nina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Pia Cayetano.
Actually, back-to-back win ang nakuha ng CIA with BA dahil pinarangalan din ang programa sa 38th edition ng PMPC nu'ng March.
Ang 37th Star Awards na para sana sa 2023 ay naantala dahil sa pandemya at tuluyan nang naganap nitong August 24, 2025, ilang buwan matapos gawin ang 38th PMPC Awards noong Marso.
Itinanghal ang CIA with BA bilang Best Public Affairs Program para sa parehong taon. Mabilis na nakatanggap ng pagkilala ang programa kahit kakasimula lang nito noong 2023.
Kaya naman very grateful si Tito Boy lalo na sa magkapatid na Cayetano na marami raw natutulungan sa pagbuo sa CIA with BA lalo na nu'ng panahon ng pandemya na maraming nawalan ng trabaho sa industriya.
As a TV host, nahingi namin ang opinyon ni Tito Boy sa ibinabatong issue ngayon sa mga kapwa niya TV hosts-journalists na sina Ms. Korina Sanchez-Roxas at Julius Babao kaugnay ng pagpi-feature ng dalawa sa kani-kanilang show ng life story ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.
At kaakibat nga nito ang pagkuwestiyon sa kredibilidad ngayon nina Ateng Korina at Julius dahil sa naging post ni Pasig City Mayor Vico Sotto na tila may pasaring na handang magbayad ang mga Discaya ng P10 milyon mainterbyu at mai-feature lang ang kanilang buhay sa TV.
Diretsahang pahayag ni Tito Boy, hindi pa niya alam ang kabuuang detalye ng issue dahil hindi pa rin niya nababasa ang controversial post ni Mayor Vico.
Bagama't mga kaibigan din daw niya sina Julius at Korina at puwede siyang mag-vouch sa credibility ng dalawa, hindi pa malinaw sa kanya ang pinanggagalingan ng akusasyon sa mga ito kaya mahirap daw na magbigay siya agad ng kanyang opinyon.
Ang mabuti raw ay ituluy-tuloy muna ang mga pag-uusap upang mailantad ang dalawang panig at hanggang lumabas ang totoo.
Sa tanong namin kung sa palagay ba niya ay makakaapekto sa kredibilidad ng mga journalists ang isyung ito, sagot ni Tito Boy, “Hindi naman. This is not the first time that the credibility of the journalists is being questioned. Importante na maipagtanggol ni Korina saka ni Julius, sa ngayon, ha, sa pagkakaalam ko, but I don't do the accusation. Hindi klaro sa akin ‘yung pagka-phrase nu'ng post ni Mayor Vico, kaya hindi ako mangangahas mag-comment.
“Pero assuming that direct halimbawa ‘yung akusasyon, assuming, Julius and Korina have to defend themselves, because it is not just an accusation or an indictment against Korina and Julius but against the profession of broadcast journalism and of broadcast journalists,” dagdag-pahayag ni Tito Boy Abunda.
Anyway, nasa ika-11 season na ngayon, itinutuloy ng CIA with BA ang pamana ng yumaong senador na si Rene Cayetano, ama ng magkapatid na Cayetano, na nagpasimula ng programang Compañero y Compañera noong dekada 1990 hanggang 2000s para magbigay-gabay sa mga Pilipino tungkol sa mga usaping legal.
Sa isang Facebook Live, nagpasalamat si Senador Alan sa mga tumatangkilik sa programa.
“We try to keep things entertaining, but more importantly, we make sure the show really helps people solve their problems. That’s what matters most,” aniya.
“Thank you po for supporting Cayetano in Action with Boy Abunda. I hope nakakatulong [ang programa.] And remember, we have to learn together,” dagdag niya.
Sa kanyang acceptance speech para sa 37th Star Awards, nagpasalamat din si Boy Abunda sa mga manonood at ibinahagi ang kahalagahan ng programa para sa kanya.
“Pumupunta po ako sa mga tapings, handa para matuto. And I realized that doing this show has made me a student for the rest of my life. Ang dami-dami po ang natututunan… It’s the excitement about doing something uncertain. Going into that space that you’re not sure of. That continues to excite all of us,” pahayag ni Abunda.
Napapanood ang Cayetano in Action with Boy Abunda tuwing Linggo, 11:00 ng gabi sa GMA 7. Available din ang episodes sa opisyal na YouTube channel ng GMA.
Ex-love team, nainlab daw sa kanya…
ALDEN, AYAW MAG-COMMENT SA IBINULGAR NI MAINE
ESPESYAL ang natanggap na Single Performance by An Actor award ni Alden Richards sa katatapos na 37th PMPC Star Awards for TV para sa kanyang ginampanang papel sa Magpakailanman dahil isa ang Kapuso actor sa mga advocates ng mental health awareness.
Kuwento ni Alden, “Growing up in a household where you know my mom also experienced such issues and problems with regards to mental health, I know how it feels. And parang ang sarap lang magbigay ng tulong sa mga taong nakakaranas nito ‘coz I've experienced it as well personally and I was able to live above it, so this award is for them.”
Minsan nang inamin ni Alden na dumaan din siya sa depression at ang maganda raw, ‘yung support system niya ay nakaalalay lang sa kanya at hindi siya kinukulit na maging okay agad, hinayaan siya at binigyan ng panahon na mag-heal.
Nilinaw din ni Alden na hindi ang pamba-bash na natatanggap niya sa social media ang dahilan ng kanyang depresyon.
Sa 15 yrs. niya raw sa industriya, sanay na siya sa ganitong sistema at hindi na ito nakakaapekto sa kanya.
Samantala, nahingan namin ng reaksiyon si Alden sa mga nasabi ni Maine Mendoza recently sa vlog sa YouTube kung saan inamin ng dati niyang ka-love team na malaking bahagi si Alden sa success ng AlDub.
Pero ‘yun pa lang ang naitanong namin kay Alden, naramdaman naming ayaw na niyang pag-usapan ang naging statement ni Maine kung saan inamin nga rin ng nakilala noon bilang si Yaya Dub na na-in love siya sa Pambansang Bae pero the feeling seems to be not mutual.
Agad kasing sagot ni Alden sa tanong namin, “Ah, I don't wanna comment on that issue. Sorry, Ms. Janice,” na iginalang din naman namin dahil kilala rin namin si Alden bilang napakamarespetong tao ever since.
Well, sabagay, less talk, less mistakes nga naman.
Anyway, congratulations kay Alden sa bago niyang award and we wish him more awards to receive.














Comments