Inakusahan ng netizen, todo-palag… CARLA: ‘DI PO AKO BAOG AT ‘DI RIN MASAMA ANG UGALI KO
- BULGAR

- Jun 12, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 12, 2025
Photo: Carla Abellana - IG
May sagot si Carla Abellana sa isyung baog siya at inakala siguro ng mga netizens na ‘yun ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Tom Rodriguez.
Comment ng netizen, “Pangit kasi ugali ni Carla, baog pa.”
Ipinost ni Carla sa Instagram ang comment na ‘yun at saka sinagot ng: “To set the record straight and (please lang, sana naman) for the last time, HINDI PO AKO BAOG. Saan n’yo po napulot ‘yan at bakit ginagawa n’yo po akong baog sa buhay at kuwento n’yo?
“Hindi rin po ako MENOPAUSE/MENOPAUSAL. Mag-39 pa lang po ako in 2 days, hindi po yata posible ‘yun? Bigyan n’yo pa po siguro ng mga 12 to 15 years. Nakakaloka kayo.
“P.S. Hindi rin po masama ugali ko.”
Dapat talaga ay sinasagot ang mga ganitong balita dahil marami ang naniniwala. Saka, ang alam namin at open naman si Carla, nagpa-freeze siya ng egg at sa tamang panahon, puwede siyang magka-baby. Bakit ba siya minamadali?
And speaking of Carla, ang ceramics at pottery ang bago niyang passion after candle and soap making. Hindi siya nawawalan ng gagawin habang in between TV series and making movies.
Napapadalas din ang pagho-host niya sa mga events kung saan nag-e-enjoy ang aktres.
BIGLANG nawala si Gabbi Garcia sa mediacon ng Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS). Pagkatapos siyang ipakilala bilang si Alena sa 2016 version ng Encantadia, nawala na siya.
May mga nag-comment na ‘missing in action’ (MIA) na naman siya gaya nang nangyari sa Encantadia na may ilang eksena na wala siya.
Sey ni Gabbi, “Sorry na kailangan ko mag-shoot ng PBB updates. Hihihi! avisala (paalam).”
Hindi tumigil sa sagot ni Gabbi ang mga fans at binalikan nila na ilang eksena ang wala siya sa Encantadia noon. Ibig daw sabihin, consistent siya sa pagiging MIA.
Aniya, “Okay, let me answer this once & for all. I wasn’t MIA just because I was absent. As we all know, the story took a different direction + I was a minor so may adjustments talaga. TBH (to be honest) 17 year old me was begging to be on set. I had a major FOMO (fear of missing out) ‘pag wala akong taping. So no, ‘di lang dahil ‘absent’ ako. Hahaha!”
May humirit pa na nakadagdag sa pagiging MIA ni Gabbi sa ECS ang endorsement shoots niya at may kinunan pa sa ibang bansa. Nilinaw din ni Gabbi ang tungkol dito.
Paliwanag niya, “Dear, I literally had 1 major endorsement shoot that time. ‘Yung Pantene, shot in Australia. I was just out for 6 days. Jusko! nagsisimula pa lang ako nu’n kaya 1 pa lang major endorsement ko. Nagkaroon ako ng shoots AFTER Enca because of its success (smiling emoji). That was it. The storyline CHANGED (smiling emoji).”
Sa huli, sey ni Gabbi, “I hope that clears things out. Hehehe! Goodnight from my 17 year old self.”
Samantala, nabanggit ni Gabbi na kahit matagal na nilang ginawa nina Sanya Lopez at Glaiza De Castro ang Encantadia, hindi pa rin nagbago ang friendship nila.
“Kahit may mga nag-iba sa buhay namin, nanatili ang bonding namin. The sisterhood is irreplaceable. We have a low maintenance friendship, kahit hindi kami nagkikita, friends pa rin kami at ‘pag nagkikita kami, walang nagbago,” wika ni Gabbi.
Muling mapapanood si Gabbi sa Sang’gre bilang si Alena.
Mula sa direction nina Enzo Williams at Rico Gutierrez ang hinintay ng Encantadiks na pagbabalik ng favorite nilang iconic fantaserye.
MARAMI ang nag-like sa Instagram (IG) post ni Yasmien Kurdi tungkol sa magandang balita niya sa eldest nila ng asawang si Rey Soldevilla na si Ayesha na nakaranas ng bullying sa kanyang former school.
Pahayag ni Yasmien, “We’re so happy to share that Ayesha has now been given clearance by her child psychologist and, in coordination with the new school’s counseling office, she’s ready to return to a bigger school environment.
“The new school’s motto—‘Here, Change Begins’— resonates deeply with us that every child deserves a fresh start in a supportive, safe space.
“We’ve been assured that Ayesha, along with every student, will be nurtured and protected. God is good, and we’re so grateful she’ll be in good hands this time. #HereChangeBegins #NoToBullying.”
Sa picture ni Ayesha, green t-shirt ang suot nito at green din ang pintura ng school kung nasaan ito. Nahulaan agad na sa La Salle na mag-aaral ang anak ni Yasmien Kurdi.










Comments