Inaabangan ni World Champion Tapales na makabangas si Inoue
- BULGAR
- Apr 19, 2023
- 1 min read
ni Gerard Arce @Sports | April 19, 2023

Mas nakokonsiderang makakatapat ni newly-crowned IBF at WBA super-bantamweight champion Marlon “Nightmare” Tapales sa hinaharap si dating undisputed bantamweight titlist Naoya "Monster" Inoue sakaling magtagumpay ito laban kay reigning at defending WBC at WBO titlist Stephen “Cool Boy Steph Scooter” Fulton upang maisakatuparan ang pagiging kauna-unahang undisputed na Filipino boxer sa kasaysayan.
Inaasahan ni Tapales na magiging mabigat ang kakaharaping pagdepensa sa titulo sa paghihintay sa magwawagi sa pagitan ng dalawang walang talong boksingero na magiging kaabang-abang ang undisputed bout sa sinumang mananalo sa unification match nina Fulton at Inoue sa Hulyo 25 sa Ariake Arena sa Tokyo, Japan. Subalit mas pinaghahandaan ng 31-anyos mula Kapatagan, Lanao del Norte ang dating undisputed bantamweight title holder na Japanese slugger.
“Inoue is number 1 pound for pound so everybody wants to fight him, including me. I’m a champion now so I feel I’ve got a ticket to fight him too, so I can prove that I can be pound for pound like him,” pahayag ni Tapales (37-3, 19 knockouts) patungkol kay Inoue (24-0, 21KOs) na nagawa ring pagharian ang light-flyweight at super-flyweight class.
Matagumpay na naagaw ni Tapales ang dalawang titulo kay Murodjon Akhmadaliev ng Uzbekistan sa bisa ng spilt-decision nitong Abril 8 sa Boeing Center sa Tech Port, San Antonio, Texas.
Maging si MP Promotions President at co-promoter ni Tapales na si Sean Gibbons ay mas kumbinsidong mas malaking laban sakaling si Inoue ang makatapat ng Pinoy champion dahil mas makakahatak ito ng maraming manonood at sponsors, habang nakikita rin nitong mas








Comments