top of page

In-annouce sa socmed na pareho silang hot na hot sa sex… SIGAW NG NETIZENS: ROBIN AT MARIEL, NAG-IINGAY LANG, WALANG SENSE ANG IPINAGLALABAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 19, 2024
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida  | August 19, 2024


Showbiz News
Photo: Mariel Padilla / IG

Ang positive ng post ni Mariel Rodriguez tungkol sa 40th birthday party niya. Binanggit nito ang paghahandang ginawa niya before the party, pero ang mga comments, negative. 


Maingay daw sila ni Sen. Robin Padilla, walang sense ang kanilang ipinaglalaban. May tumawag pa sa kanilang enabler, bunch of clowns at may nag-comment na sana, lumaki ang mga anak nila knowing "No is No". 


Sagot ni Mariel, “Thank you. I will make sure of that.”  


Kaya ang mga sumunod na posts ni Mariel, limited na ang puwedeng mag-comment. Sorry na lang sa mga gusto pang mag-comment. 


Pero hindi naman lahat ay galit kay Mariel, may nagtanggol sa kanya, pero pati ang nagtanggol, inaway din ng mga netizens na galit kina Mariel at Robin.


Ang maganda lang kay Mariel, hindi idine-delete ang mga nega comments na ‘yung iba, nakakasakit ng damdamin. 


Pero, sabi ng mga netizens, ide-delete rin ni Mariel ang mga nega comments, nililinis daw nito ang kanyang Instagram (IG).


Nagsimula ang hate trend kina Robin at Mariel dahil sa convo nila sa Facebook (FB) na

sinabi ni Sen. Robin, “Hello babe, I’m in heat,” na sinagot ni Mariel ng, “It’s a tie...  I’m feeling hot, hot, hot.” 


Ang dating ng convo na ito ng mag-asawa, nagbibiruan sila, na ayaw paniwalaan ng mga tao.



Two-time gold medalist, lalo raw iniinis… MADIR NI CARLOS, TODO-FLEX SA BAG AT REGALO NG IBA PANG ANAK


Showbiz photo
Photo: Angelica Yulo / FB

Maganda ang feedback ng mga netizens sa garlic longganisa online business ng mom ni Carlos Yulo (Caloy) na si Angelica Poquiz-Yulo. 


Ang dami agad nag-order mula nang i-post sa Facebook (FB) ang, “Collecting orders of homemade garlic longganisa ala Vigan. PM for orders 380/kilo.”


Kabilang sa mga tumutulong kay Angelica to promote her online business ay si Director Darryl Yap na ang pakiusap ay ‘wag i-scam si Angelica. Kaya ayun, ang daming nag-order at walang nag-react na mahal ang longganisa nito.


May mga nag-comment na okay ang ginawa niya, magnegosyo na lang para walang manumbat at walang mang-bash sa kanya at sa kanilang pamilya na todo-asa sa pera ng anak. 


Hindi lang maiwasan ang mga biro na na kay Chloe San Jose na raw ang "longganisa", kaya kailangang maghanapbuhay si Angelica.


May mga hindi bumibili, pero nag-message kay Angelica na sana, magkaayos pa sila ni Caloy sa tamang panahon para maging masaya ang lahat. 


Kaya lang, inakusahan na naman si Angelica Yulo na isine-shade si Caloy nang i-flex ang Guess bag na regalo ng anak na si Elaiza at ang rubber shoes na bigay ng anak na si Karl. Iniinis daw nito si Carlos Yulo kaya lumalayo ang loob sa kanya.



Nape-pressure sina Cindy Miranda at Kiko Estrada sa box office success ng Un/Happy For You (UFY) movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia dahil ang movie nilang 40 (yes, ‘yan ang title) ay malapit na ang showing. 


Actually, ang mga fans ang nagpe-pressure sa dalawa. Dapat daw kumita rin nang malaki ang kanilang pelikula dahil ipino-promote nilang maganda at ang mahusay na si Dado Lumibao ang director.


Romance-drama ang 40 na kapag pinanood, saka pa lang malalaman kung ano ang ibig sabihin ng title. 


Paniniguro ni Direk Dado, magugustuhan ng marami ang pelikula. 


Malungkot ang title ng movie, ang story at theme song na Leaves ng Ben&Ben na kinanta ni Martin Nievera. Para bang lahat sa movie ay malungkot. Pero sabi nina Kiko at Cindy at pati ni Direk Dado, magugustuhan ang kanilang pelikula. 

May learning na ise-share sa moviegoers at hindi nga naman nila kasalanan kung iiyak ang manonood nito.


Masaya si Kiko na siya ang napili sa role ni Archie dahil opportunity daw niya ito na ipakitang marunong din siyang umarte sa ganitong genre ng movie. 


Sa Lumuhod Ka sa Lupa (LKSL) ng TV5, action-drama ang ginawa niya. Dito sa 40, magpapaiyak sila ni Cindy at magpapakilig.


Sa poster ng movie, straight ang buhok ni Kiko Estrada. In real life, kulot siya. 

“Tribute ko sa dad ko (Gary Estrada) ang movie na ‘to. Gusto kong makita na diretso ang hair ko at na-achieve ko naman,” sabi nitong nakangiti.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page