Imported, wa' epek sa taas-presyo ng bigas

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 5, 2023

Binigyang linaw ng Bantay Bigas nitong Biyernes na kahit dumami ang imported ay hindi nito mapipigil ang pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa.
Sa panayam sa Teleradyo Serbisyo, sinabi ni Cathy Estavillo, Bantay Bigas spokesperson, na ito ay dahil ang presyo sa pandaigdigang merkado ay patuloy na lumolobo.
Aniya, ang pagsuporta sa lokal na magsasaka ng palay ang pangmatagalang solusyon sa pagtaas ng presyo ng bigas.
Sa kasalukuyan, tumaas ang presyo ng bigas ng P1 hanggang P2 kada kilo.





Comments