top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Importasyon ng bigas, umabot sa 56,090 metric tons sa Enero

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 27, 2024
  • 1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 27, 2024




Umabot sa hindi bababa sa 56,090 metric tons (MT) ng inangkat na bigas ang dumating sa bansa hanggang Enero 11, ayon sa ulat ng Bureau of Plant Industry.


Batay sa datos ng ahensya, mula sa Vietnam ang pinakamalaking bahagi ng inangkat na bigas, o 34 percent, na may kabuuang 36,911 MT.


Kabilang sa iba't ibang pinagmulan ng inangkat na bigas para sa unang 11 araw ng buwan ang Thailand na may 16,351 MT, Myanmar na may 1,040 MT, Pakistan na may 898 MT, at Japan na may 892 MT.


Bagamat iniulat ng US Department of Agriculture na aabot sa 3.8 million metric tons ang kabuuang importasyon ng bigas ng Pilipinas sa 2024, inaasahan ng executive director ng Samahang Industriya ng Agrikultura na si Jayson Cainglet na magkakaroon ng pagbaba sa importasyon ng bigas.


“Actual import arrival (in 2023) was at 3.5 million MT, validating our position and of the DA (Department of Agriculture), of a much lower volume of rice imports,” pahayag ni Cainglet.


Idinagdag niya na maaaring matukoy ng gobyerno ang dami ng bigas na iaangkat para sa buong taon sa buwan ng Abril.


Ayon kay Cainglet, nagdulot ang mga ispekulasyon ng pagtaas sa pandaigdigang presyo ng bigas, na kasalukuyang nasa halagang higit sa $600 kada metric ton.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page