top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Importante ang debate sa mga kandidatura, period!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 27, 2022



DAPAT TANDAAN NINA BONGBONG AT SARA NA DEBATE ANG ISA SA MGA NAGPANALO KAY P-DUTERTE--Kung sakaling hindi rin sumipot sa pa-debate ng Comelec si Marcos, baka makaapekto 'yan sa kandidatura nila ni Sara.


Majority ng mga botante ay sa plataporma at sa galing sa debate dumedepende kung sinong kandidato ang nais nilang iboto.


Palaging top sa mga survey noon sa pagka-pangulo si former VP Jejomar Binay dahil sa political ad niyang ang nagawa niya sa Makati, tulad ng libreng pagpapagamot at libreng edukasyon ay gagawin niya sa buong bansa, pero nang magkaroon na ng mga debate, mas nagustuhan ng mamamayan ang statement ng noo'y mayor pa lamang na si Rodrigo Duterte na sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan ay wala nang korupsiyon, ilegal na droga at krimen sa Pilipinas, kaya ang resulta ay ito ang nanalo, period!


◘◘◘


SA PANAHON NI P-DUTERTE, MAS DUMAMI ANG KORUP, NAGING TALAMAK ANG ILEGAL NA DROGA AT LUMALA ANG KRIMINALIDAD--Halos apat na buwan na lang ay aalis na sa puwesto si P-Duterte bilang pangulo, pero lilisanin niya ang Malacañang nang hindi natupad ang pramis niyang tatlo hanggang anim na buwan ay wala nang korupsiyon, ilegal na droga at krimen sa Pilipinas.


Sa totoo lang, sa panahon ni P-Duterte ay mas tumindi ang korupsiyon, mas naging talamak ang ilegal na droga at mas lumala pa ang kriminalidad, boom!


◘◘◘


DAMING SUMABLAY SA CAMPAIGN PROMISE NI P-DUTERTE, PERO ANG MARKA SA KANYA NG MGA SURVEY FIRMS, 'GOOD'--Bukod sa sablay na tatlo hanggang anim na buwan na pramis na wala nang korupsiyon, ilegal na droga droga at kriminalidad sa 'Pinas ay hindi rin nagkaroon ng katuparan ang pramis ni P-Duterte na ipaglalaban niya ang West Philippine Sea at hindi rin nagkaroon ng katuparan na wawakasan niya ang endo o contractualization.


Dahil hindi tinupad ni P-Duterte ang mga campaign promise niyang 'yan noong 2016 presidential election, maraming Pinoy ang nagalit sa kanya, kaya't nakapagtataka talaga 'yung mga resulta ng survey na good daw ang performance ni P-Duterte sa nakalipas na higit 5-taong kasi daming sumablay na campaign promise, tapos sa mga survey, good daw ang performance ng pangulo, buwisit!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page