top of page
WINNER - BINI, INIAAHON ANG ABS-CBN SA PAGKALUGI-IG _BINI_PH.jpg

Impeachment trial, 'wag nang patagalin — VP Sara

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | August 20, 2026



Impeachment trial, 'wag nang patagalin — VP Sara

Photo: Inday Sara Duterte / FB



Nanawagan si Vice President Sara Duterte na pabilisin ang pag-usad ng impeachment case laban sa kanya, dahil hindi dapat magtagal ang proseso habang nananatiling may mga tanong ang publiko tungkol sa mga alegasyon laban sa kanya.


Ayon kay Duterte, ipinauubaya niya sa kanyang spokesperson at defense team ang pagharap sa impeachment proceedings, na lubos niyang pinagkakatiwalaan.


“Gusto lang sana namin ay mapabilis 'yung proseso dahil hindi puwedeng tumatagal 'yung proseso natin,” wika ni Duterte sa isang panayam matapos dumalaw sa burol ng isang Grade 10 student na nasawi sa shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University.


Aniya, kapag tumatagal ang proseso, patuloy na nagkakaroon ng pagdududa ang publiko kung totoo ang mga alegasyon laban sa kanya.


“Nag-iisip 'yung mga tao, ano ba? totoo ba? Na may ginawang masama, hindi ba totoo 'yung mga akusasyon,” saad pa niya.


Binigyang-diin din ni Duterte na nakasaad sa 1987 Constitution ang pagkakaroon ng mabilis na pagdaraos ng mga proceedings.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page