Impeachment kay Sara ibinasura, Sotto pumalag sa SC... Mag-cha-cha na lang!
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | January 31, 2026

File Photo: VIcente Tito Sotto / FB
Dismayado si Senate President Vicente “Tito” Sotto hinggil sa desisyon ng Supreme Court na tuluyang ipawalambisa ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Una rito, nagdesisyon ang SC na “with finality” sa pagbabasura ng apelang motion for reconsideration ng House of Representatives kaugnay sa nasabing reklamo.
Ayon kay Sotto, malungkot na araw ang nabanggit na pangyayari para sa Constitutional Law, mga propesor, at mag-aaral ng abogasya.
“The Constitution had just been amended unconstitutionally through Supreme Court overreach. It will take decades of retirements to correct this misinterpretation. When the law is clear, there is nothing to interpret, as any first year law student knows,” aniya.
Binigyang-diin ni Sotto na malinaw na judicial legislation ang naging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman at tahasang paglalatag ng pangangailangan ng isang panuntunang dapat sundin ng Kongreso sa pagsasagawa ng impeachment.
Panghihimasok umano ito sa kapangyarihan ng Legislative branch, alinsunod na rin sa Konstitusyon.
Sa kasalukuyan, isa na aniyang pangarap na lamang ang impeachment.
Kasabay nito, sinabi ni Sotto na handa siyang suportahan ang anumang plano na baguhin ang 1987 Constitution, kung kinakailangan.








Comments