top of page
Sharlene San Pedro - IG.jpg

Impeachment at flood control scam, back-to-back sa Senado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 2 min read

ni Mylene Alfonso @News | June 1, 2026



Inday Sara Duterte - FB

Photo: Inday Sara Duterte - FB



Binigyan ng hanggang ngayong araw, Hunyo 1, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi si Vice President Sara Duterte para sumagot sa articles of impeachment sa Senado.


Kaugnay nito, lilimitahan ang mga miyembro ng media na magkokober sa nasabing paghahain. Sa dalawang pahinang advisory na inisyu ni Senate Secretary Jose Luis Montales, inatasan ang Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) na tiyakin na ang media access ay limitado lamang sa second floor “for security and operational reasons.”

Samantala, sinabi naman ni Senate President Alan Peter Cayetano na inatasan na si Senador Rodante Marcoleta sa Hunyo 1 na mag-isyu ng notices para ipagpatuloy ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa flood control scandal na itinakda naman sa Huwebes, Hunyo 4.


Kaugnay ng mga ito, binigyang-pansin ng mga political analyst ang mabilis at estratehikong hakbang ng bagong pamumuno ng mayorya sa Senado.


Ayon sa mga analyst, ang agarang pag-aksyon ng bagong liderato sa dalawa sa pinakamalaking isyu ng bansa ngayon, ang impeachment at ang imbestigasyon sa flood control scandal, ay malinaw na mensahe na nais nitong unahin ang interes ng publiko kaysa sa mga panloob na girian. 


Binigyang-diin din nila na naging masalimuot ang tiyempo ng paglipat ng pamumuno dahil pumasok ang impeachment sa panahong may internal tension sa kapulungan, gaya ng mga banta ng kudeta sa liderato at imbestigasyon sa ilang miyembro. 

Bukod sa impeachment, nakikita rin ng mga analyst na isang kalkulado at direktang tugon ang ginawa ng bagong liderato sa nakabinbing kontrobersya sa bilyong-pisong flood control funds. 


Matatandaang sa ilalim ng nakaraang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Panfilo Lacson, hindi naging pinal ang ulat dahil sa kawalan ng sapat na boto at pirma ng mga senador. 


Upang tapusin ang pagkakaroon ng deadlock, binuo ng bagong mayorya ang isang flood control subcommittee sa ilalim ni Marcoleta. 


Sa pangkalahatang pagsusuri ng mga eksperto, nararapat lamang umanong obserbahan muna ang mga aktuwal na nagawa at kasalukuyang tinatrabaho ng Senate leadership bago ito husgahan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page