Immunity ng COVID-19 survivor, hindi lifelong
- BULGAR

- Aug 25, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | August 25, 2020

Ayon sa ilang researcher sa Hong Kong, tumataas ang kaso ng reinfection ng COVID-19 sa buong mundo, kaya naman marami ang nagtatanong kung gaano katagal ang immunity.
Sa kanilang research, ibinahagi ni Kelvin Kai-Wang To, microbiologist sa Faculty of Medicine ng Hong Kong University na hindi lifelong ang immunity ng COVID-19 survivor.
Aniya, "COVID-19 patients should not assume after they recover that they won't get infected again.” Ang mga taong na-infect na at gumaling na sa virus ay kinakailangan pa ring sundin ang social distancing, pagsuot ng face mask at paghuhugas ng kamay. Payo rin nito na magpa-test agad kung makaramdam ulit ng sintomas.
Nagsimula ang pagsusuring ito dahil sa isang 33-year old na resident eng Hong Kong na dumaan sa mandatory screening sa Hong Kong airport pabalik sa Europe. Lumabas sa kaniyang PCR swab test na siya ay positibo sa virus.
Ngunit, bago pa ito ay gumaling na ito sa COVID-19 apat na buwan na ang nakakalipas at inaasahan na may immunity na ito sa virus.
Kaya naman minabuti ni To kasama ng kaniyang grupo na suriin kung ito ay may relapse o bagong impeksiyon. Kaya naman pinagkumpara nito ang genomes o genetic coding.
Napag-alamang magkaibang-magkaiba ang dalawa at nasabing galing sa magkaibang coronavirus lineages o clades.
Ang una ay katulad sa nakolekta noong Marso at Abril, samantalang ang pangalawang strain ay nag-match sa virus na matatagpuan sa Europe.
Ayon naman kay Jeffrey Barret, senior scientist consultant ng COVID-19 Genome Project sa Welcome Sanger Institute, "This is certainly stronger evidence of reinfection than some of the previous reports because it uses the genome sequence of the virus to separate the two infections.”





Comments