top of page
WINNER - KIM, KINASUHAN NA ANG ATE LAKAM NG QUALIFIED THEFTIG _chinitaprincess.jpg

Imelda, guilty sa graft, binaligtad ng SC

Writer: BULGAR
BULGAR
28 minutes ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | September 10, 2026



Photo_ Imelda Marcos _ FB

Photo: File / Imelda Marcos



Binaligtad ng Supreme Court (SC) ang hatol ng Sandiganbayan laban kay dating First Lady Imelda Marcos sa pitong kaso ng graft na may kaugnayan sa umano’y pinansyal niyang interes sa mga pribadong foundation sa Switzerland.


Ang desisyon ng First Division ng Korte Suprema, na isinulat ni Associate Justice Rodil V. Zalameda, ay inilabas noong Hunyo 10, 2026 ngunit isinapubliko lamang nitong Miyerkules, Setyembre 9.


Dahil dito, nabalewala ang landmark ruling ng Sandiganbayan noong Nobyembre 9, 2018 na naghatol kay Marcos na nagkasala sa pitong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.


Sinentensiyahan noon ng Sandiganbayan si Marcos ng pagkakakulong na mula anim na taon at isang buwan hanggang 11 taon para sa bawat bilang, bukod sa perpetual disqualification o habambuhay na pagbabawal na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.


Gayunman, pinawalang-sala siya sa tatlo pang kaso ng graft.


Nag-ugat ang mga kaso sa alegasyon na habang nagsisilbing gobernador ng Metro Manila at humahawak ng iba pang posisyon sa pamahalaan noong administrasyon ng kanyang asawang si yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., mayroon umanong pinansyal na interes si Imelda sa ilang pribadong foundation na nakabase sa Switzerland.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page