Imbiyerna sa tatay ng 3 mong anak, AJ… SUNUD-SUNOD NA BAGYO, ISINISI SA PAGKANTA NI ALJUR
- BULGAR

- Nov 16, 2025
- 4 min read
Updated: Nov 19, 2025
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 16, 2025

Photo: Aljur Abrenica / IG
Sunday ngayon, mga Ka-BULGAR, kaya kalmahan lang muna natin ang mga inaabangan n’yong latest chika.
Eto na nga, ‘di ba’t umamin na si AJ Raval na 3 na pala ang anak nila ni Aljur Abrenica?
Hayun, trending sa Facebook hindi lang si AJ kundi pati si Aljur.
But wait, kung si AJ ay talk of the town ang pag-aming 5 na ang anak (3 nga kay Aljur at may 2 pang nauna courtesy of her ex-BF), ang estranged husband naman ni Kylie Padilla ay favorite i-bully dahil sa kanyang mga ipino-post na cover songs sa kanyang Facebook page.
Ang nakakaloka, may FB post na ang pagkanta ni Aljur ang sinisisi kung bakit daw sunud-sunod ang bagyo ngayon sa ‘Pinas!
Wahhh!!! Uy, in fairness kay Aljur, marunong siyang kumanta at hindi naman kasumpa-sumpa.
Ang dami lang siguro talagang imbiyerna sa kanya lalo nang inamin niyang nag-cheat siya noon kay Kylie Padilla, kaya until now, pinepersonal siya at pati pagkanta niya ay nilalait.
Ibinoykot nang maging endorser si Toni… DIANNE, PROUD NA NO. 1 PA RIN ANG SHOPEE NANG MAGING ONLINE SELLER SIYA

YEAR 2023 pala nang mag-umpisang maging online seller sa Shopee at Tiktok ang aktres-entrepreneur at madiskarteng momshie na si Dianne Medina, ang misis ng aktor-dancer na si Rodjun Cruz.
Kuwento ni Dianne sa mediacon niya last Thursday sa Pandan Cafe, kung saan in-announce ang bagong achievement niya bilang Top Content Creator of the Year, nang magsimula siya bilang online seller sa Shopee ay hindi naman niya naramdaman ang sinasabing epekto ng pamboboykot noon sa online shopping app nang maging endorser si Toni Gonzaga.
In fact, until now nga raw, Shopee pa rin ang No. 1 online shopping app sa Pilipinas.
Sa ngayon, may 112K followers sa Shopee si Dianne at 1.7M followers naman sa Tiktok at proud niyang inamin na ang pinakamalaking naibenta niya sa loob ng isang araw bilang online seller ay P20M.
Pero paglilinaw niya, hindi sa kanya napunta ang perang ‘yun kundi sa mga brands na ibinebenta niya at siya ay nangongomisyon lang. Baka raw kasi habulin at pag-initan siya ng BIR.
Nilinaw din ni Dianne na hindi porke mas active siya sa online selling at nakikita ng mga tao na malakas siyang kumita, ibig sabihin ay mas malaki na ang naiaambag niya sa kanilang pamilya.
Ang hindi raw alam ng mga tao, may mga negosyo si Rodjun at pareho naman silang masipag kaya hindi kataka-taka kung ang dami na nilang investments na real properties ngayon.
Isa rin daw sa sikreto ng successful marriage nila ay hindi nila pinag-uusapan o tinitingnan kung sino ang mas malaking kumita sa kanila. Nagtutulungan daw silang mag-asawa para sa kinabukasan ng kanilang 2 anak.
Inamin din ni Dianne na after ng 18 yrs. na pagsasama nila ni Rodjun mula nang maging magkarelasyon sila, tapos na sila sa stage ng selosan.
Kung noong bata-bata pa raw sila ay isyu sa kanya ang mga nakakapareha o nakaka-kissing scene ni Rodjun, ngayon ay wala nang ganu’n at naiintindihan na nila na trabaho nila ‘yun bilang artista.
Samantala, may paliwanag din si Dianne kung bakit sa lahat ng naging girlfriend ng bayaw niyang si Rayver Cruz ay kay Julie Anne San Jose siya pinaka-close.
Aniya, younger days pa nila ni Julie Anne ay magkasama na sila sa simbahan, siya bilang lector at si Julie Anne bilang choir member, kaya bago pa ito naging girlfriend ni Rayver ay friends na sila.
Pero wala naman din daw siyang isyu sa mga ex-GFs ni Rayver tulad nina Cristine Reyes at Janine Gutierrez, at in fact, friends pa rin daw sila ni Cristine na nakasama niya sa Banana Split.

NA-MEET na namin nang personal ang viral rapper-composer ngayong si RK Kent sa launching ng kanyang danceable viral song na Shake It Baam last Thursday.
Alaga ng aming Kumareng Kathy Solis, dating ABS-CBN PR manager na kapatid ng aktor na si Marc Solis, si RK Kent.
Tubong-Davao pala si RK Kent na nagsimula sa pagko-compose ng mga kanta noon pang 2008. Over 200 songs na raw ang naisulat niya pero aminado siyang mangilan-ngilan pa lang ang talagang nag-viral tulad ng Rampapampam na sinasayaw ng mga kilalang celebrities tulad nina Kim Chiu, Dasuri Choi, Regine Tolentino, Aiko Melendez, at mga trending Tiktokerist.
Mabenta rin ang naturang song sa mga parties at salu-salo.
Aminado si RK Kent, na naging DJ din sa Win Radio sa Davao, na mas una siyang sumikat sa Filipino reggae singer na si Elias J. TV, pero wala raw comparison sa kanilang dalawa dahil may kani-kanya silang genre ng music at proud siya na naire-represent nila ang Mindanao dahil nakikilala na rin sila ngayon sa buong bansa.
Live na kinanta ni RK Kent sa media launch niya ang Shake It Baam at kahit ‘di ka dancer at hindi mahilig sumayaw, madadala ka sa beat ng song at kusang mapapasayaw. Para nga itong local version ng sumikat na Gangnam Style noon ni Psy na may kakaibang panghalina kaya talagang hindi puwedeng hindi ka mapasayaw.
Well, sa mga curious at hindi maka-relate sa mga sinasabi namin, watch n’yo ang music video ng Shake It Baam sa YouTube Channel ni RK Kent at puwede n’yo rin siyang i-follow sa kanyang TikTok at Facebook page, sa Spotify at maging sa Apple Music.
At sa mga gusto namang i-book si RK Kent bilang performer sa kanilang upcoming Christmas parties or sa mga gustong magpagawa ng kanta, you may contact him thru his social media account.








Comments