Imbestigasyon vs. agri hoarders, tuloy

ni Mylene Alfonso | March 20, 2023

Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na diretso sa bilangguan ang mga magsisinungaling sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food kung saan inaasahang makikilala ang mga nasa likod ng kartel ng sibuyas at iba pang mga produktong pang-agrikultural.
Malinaw umano ang misyon ng mga kongresista sa pangunguna ni Quezon Rep. Mark Enverga sa pagsasagawa ng imbestigasyon para maibaba ang presyo ng sibuyas at
mabuwag ang kartel sa bansa.
Hindi rin sasantuhin ng komite ang mga opisyal ng pamahalaan na posibleng nakikipagsabwatan sa kartel.
Katulad nina Enverga at SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta, sinabi ni Romualdez na inaasahan nila ang kooperasyon nina Argo President and General Manager Efren Zoleta, Jr., Argo Operations Manager John Patrick Sevilla, at kanilang legal counsel na si Jan Ryan Cruz, sa pagkilala ng hoarders.
Naunang binawi ng komite ni Enverga ang contempt matapos tiyakin ni Cruz sa mga kongresista na wala silang intensiyon na i-delay ang imbestigasyon.





Comments