top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Imbestigasyon sa mga election-related violence, ‘di dapat matengga

BULGAR
May 11, 2022
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | May 11, 2022


Aabot sa 73 election-related violence ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa mismong araw ng eleksyon.


Ayon sa pulisya, 41 sa naturang insidente ay validated na non-related sa eleksyon. Gayunman, 15 dito ay iniimbestigahan pa, habang 16 ang kumpirmadong may kaugnayan sa halalan, partikular sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).


Kabilang sa 16 ang insidente ng barilan ng mga tagasuporta ng kandidato sa lokal na posisyon sa Ilocos Sur at Gen. Tinio, Nueva Ecija.


Gayunman, nakapagtala ng 15 insidente ng election-related violence noong Lunes, kabilang na rito ang barilan at pagsabog.


Bagama’t may mga ganitong insidente, nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kanilang natugunan ang mga ito, kaya’t naipagpatuloy ang botohan.


Hindi pa umano kasama rito ang nangyaring pitong pagpapasabog sa Maguindanao noong Mayo 8 nang gabi.


Samantala, ayon sa pulisya, mas mababa ang naitalang election-related violence ngayong taon kumpara sa 133 noong 2016 at 60 noong 2019 midterm elections.


Sa totoo lang, nakalulungkot dahil may ganitong insidente sa kabila ng mga pakiusap o panawagan na nawa’y maging mapayapa ang halalan.


At kahit mas kaunti ang naitala ngayong taon, ‘di natin maaalis ang katotohanang may nangyaring karahasan, at ang masaklap pa, may nawalan ng buhay.


Gaya ng paulit-ulit nating pakiusap sa mga kinauukulan, imbestigahang mabuti ang mga insidenteng ito. Hindi dapat matengga ang mga imbestigasyon.


Kailangang may aksiyon at mapanagot ang mga dapat managot.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.co

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page