top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Imbes tularan ang Vaccine Express ni VP Leni, pamumulitika at pangungurakot ang inaatupag ng

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2021
  • 2 min read

mga alipores ni P-Duterte.


ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 21, 2021



BUHAY NG MGA PINOY PARANG TURUMPO SA LOCKDOWN AT PAG-OPEN NG EKONOMIYA—Natapos na kahapon ang ECQ (Enhanced Community Quarantine) sa Metro Manila at ilang probinsiya, at dahil bumaba na ang kaso ng mga nagkaka-COVID-19, binuksan ulit ang ekonomiya, nag-MECQ (Modified Enhanced Community Quarantine) na ulit sa NCR (National Capital Region) at ilang kalapit na probinsiya mula Agosto 21 hanggang Agosto 31, 2021.


Dahil walang plano ang Duterte gov’t. kung paano lalabanan ang COVID-19, kapag dumami na naman nagkaka-virus, isasara na naman ekonomiya o balik-lockdown na naman.


Hay naku, ang pamumuhay ng mga Pinoy ngayon ay parang “turumpo” na paikut-ikot, kapag bumaba ang bilang ng COVID-19 cases, bubuksan ang ekonomiya, kapag dumami na naman nagka-COVID-19 ay balik-lockdown, boom!


◘◘◘


MABUTI PA ANG OVP, KAHIT MALIIT ANG BUDGET NAGAGAWANG MAG-MASS TESTING AT MAG-VACCINE EXPRESS—Maraming beses nang sinabi ng WHO (World Health Organization) na para malabanan ang COVID-19 ay kailangan ang mass testing at pabilisin ang pagbabakuna, pero imbes na sundin ang payo, ang sabi ng Malacañang ay hindi puwedeng i-mass testing ang lahat ng Pilipino, at sa vaccination program naman, basta na lang ibinagsak sa mga LGUs ang mga bakuna.


Sa totoo lang, mabuti pa ang OVP (Office of the Vice-President) na sa kabila na maliit lang ang budget ay nagpapakita nang pagsisikap na malabanan ang COVID-19 sa pamamagitan ng mobile swab test sa mga community na maraming nagkaka-virus at vaccine express para maraming mabakunahan, period!


◘◘◘


VACCINE EXPRESS NI VP LENI, DAPAT TULARAN NG DUTERTE GOV’T.—Sa vaccine express ni VP Leni sa Maynila, Iriga City, Naga City at Quezon City maraming nabakunahan, at dahil tagumpay ang programang ito ay nag-request sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Iloilo City Mayor Jerry Trenas at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na mag-vaccine express din sa kanilang lugar ang OVP.


Kung ang vaccine express ni VP Leni ay tutularan ng Duterte gov’t., tiyak na maraming mababakunahan, at kapag marami nang nabakunahan, umpisa na ‘yan ng tagumpay ng Pilipinas sa laban sa COVID-19.


Kaya lang, imbes na tularan ang vaccine express ni VP Leni, ang inaatupag ng mga alipores ni P-Duterte ay maagang pamumulitika at pangungurakot sa kaban ng bayan sa gitna ng pandemya, mga buwisit!


◘◘◘


VACCINE EXPRESS NI VP LENI, SUPORTAHAN; MGA KORUP NA IBINULGAR NG COA, IPAKULONG!—Sobrang hirap na dinaranas ng mga Pilipino sa lockdown at pananalasa ng virus.


Kung nais ng pamahalaan na matapos na ang krisis sa bansa, tutal next year pa naman ang eleksiyon ay kalimutan muna ang pamumulitika, tularan ang ginagawa ng OVP, magsagawa ng mass testing at maglagay ng mga vaccine express sa bawat city at munisipalidad, tapos ‘yung mga nabisto ng COA na nangurakot sa kaban ng bayan ay kasuhan at ipakulong, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page