top of page
TALKIES - JOEY KAY ALLAN DU’N KA NA SA IT’S SHOWTIME-IG _angpoetnyo & _allan_klownz.jpg

Imbes sa HK… UNVEILING NG WAX FIGURE NI KATHRYN, SA ‘PINAS GAGAWIN PARA SA FANS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 6, 2026



TEKA NGA - UNVEILING NG WAX FIGURE NI KATHRYN, SA ‘PINAS GAGAWIN PARA SA FANS-IG _bernardokath

Photo: IG _bernardokath




Tiyak na ikatutuwa ng mga fans at supporters ni Kathryn Bernardo ang balitang dito sa ‘Pinas gaganapin ang unveiling ng kanyang wax figure na gawa ng Madame Tussauds. 


Dapat ay sa Hong Kong pa gagawin ang unveiling ng wax figure ng aktres pero dahil hindi naman lahat ng fans ay maa-afford gumastos at bumiyahe sa Hong Kong, nagawan ng paraan upang dito na lang sa ‘Pinas ganapin ang unveiling ng wax figure.


Ito ay nakatakdang gawin sa Glorietta, Makati sa July 9. Kaya ang lahat ng grupo ng mga fans ni Kathryn ay nag-uusap na sa kanilang full support na ibibigay sa kanilang idolo. May mga preparasyon silang inihahanda para sa big event ng kanilang idolo.





Nasosobrahan na…

HEART, PINAGPAPAHINGA NG DOKTOR



DAPAT nang mag-slow down sa kanyang pinagkakaabalahan si Heart Evangelista. Ito ang payo sa kanya ng mga nagmamalasakit niyang mga fans. 


Dalawang beses na siyang isinugod sa ospital dahil sa over fatigue. Hindi na kinaya ng kanyang katawan ang napakarami niyang ginagawa.


Bukod sa kanyang pagrampa sa Fashion Week sa Paris at New York, nagde-design pa siya ng mga alahas. Hindi na nga niya maisingit ang pagpipinta. 


Sa sobrang pagod ni Heart, hindi na niya minsan nasisipot ang taping ng show niyang The People Have Spoken (TPHS).


Nang siya ay magkasakit at maospital, na-realize niya ang kahalagahan ng kalusugan at ito ang dapat bigyan ni Heart ng prayoridad. Kaya ang payo sa kanya ng mga doktor ay kailangan niya ng rest, magkaroon ng sapat na tulog at uminom ng maraming tubig.


At this point of her life, wala nang dapat patunayan si Heart. Nasa kanya na ang lahat ng mga pinangarap niya. 





MAY reunion na magaganap kina Jennylyn Mercado at Dingdong Dantes dahil magiging guest si Jen sa The Master Cutter (TMC)


Huli silang nagkatrabaho sa Descendants of the Sun (DOTS) ng GMA-7 anim na taon na ang nakalipas. Kaya excited ang aktres na nagkasama silang muli ni Dong. 


Isang babaeng bungangera ang role na gagampanan niya sa serye. So far, wala pa silang eksena. Si Ibyang (Sienna Stevens) pa lang ang nakakaeksena ni Jen.


Ganoon na lamang ang papuri ni Jen kay Ibyang dahil ang husay daw umarte, napakanatural at ang cute-cute.


Tanong ng mga fans ay kung si Jennylyn ang ex ni Natoy (Dingdong) kaya binigyan ng guest role.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page