top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Imbes matigil, raket na STL-bookies sa Western Vasayas lalong lumaganap

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 3, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 3, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


DAHIL ‘NGANGA’ LANG SI GEN. JACK WANKY SA STL-BOOKIE, DAPAT HILINGIN NI CONG. ACOP SA PNP CHIEF, SIBAKIN ITO SA PUWESTO -- Noong March 2024 sa imbestigasyon ng Kongreso tungkol sa talamak na illegal gambling sa bansa ay kabilang si Police Region 6 director, Brig. Gen. Jack Wanky sa tinanong ni Antipolo City Rep. Romeo Acop kung may illegal gambling sa Western Visayas, at inamin naman nito na meron.


Ito na siste, matapos ang House hearing, imbes na aksyunan ni Gen. Wanky ang illegal gambling sa lugar, aba’y mas lalo pang lumawak ang raket na illegal gambling na Small-Town Lottery (STL)-bookies nina alyas “Dindo,” “Ted” at “Rodney,” kasi kung dati ay sa mga lalawigan lang ng Capiz, Aklan at Iloilo sila nangraraket, nagpasugal na rin sila sa Negros Occidental, Antique at Guimaras.


Aba’y kung ganyan na “nganga” lang si Gen. Wanky sa illegal gambling sa Western Visayas, dapat yata hilingin ni Cong. Acop kay PNP Chief Gen. Rommel Marbil na sibakin ito sa puwesto at palitan ng police general na may “balls” labanan ang gambling lords sa Western Visayas region, period!


XXX


KUNG AYAW HULIHIN ANG MGA GAMBLING LORDS NA SINA 'DINDO,' 'TED' AT ‘RODNEY,’ BUWAGIN NA LANG ANG RSOG NG PNP-REGION 6 -- May itinalaga naman si Gen. Wanky na head ng Regional Special Operations Group (RSOG) at ito ay si P/Maj. Francis Fortunado para pamunuan ang panghuhuli sa mga illegal gambling sa Western Visayas, pero kataka-taka na hanggang ngayon ay wala itong aksyon laban kina "Dindo," "Ted" at "Rodney."


Kung ganyan na “nganga” lang si Maj. Fortunado at hindi nito magawang dakpin sina “Dindo,” "Ted" at "Rodney" para matigil ang raket nila sa Western Visayas, mainam yata ay buwagin na lang ang RSOG ng PNP-Region 6, boom!


XXX


GUSTO NI MAYOR BASTE, MABUO ULI ANG UNITEAM, ANG PROBLEM, MGA KAALYADONG CONG. NI PBBM ATAKE NANG ATAKE KINA EX-P-DUTERTE AT VP SARA -- Ayon kay Davao City Mayor Baste Duterte ay mas mainam daw kung nandiyan o buo pa ang puwersa ng UniTeam na pinamumunuan ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) at ate niyang si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio.


Sa totoo lang, mainam ang gustong mangyari ni Mayor Baste, ang problem nga lang ay iyong mga kaalyado ni PBBM sa Kongreso na ang inaatupag ay pag-atake sa erpat nitong si ex-P-Duterte at kapatid na VP Sara, period!


XXX


SANA TOTOO AT HINDI PABIDA LANG NI PBBM ANG PROMISE NIYANG PAGPAPALAKAS SA PUWERSA NG DND AT AFP -- Sa kanyang pagbisita sa Singapore ay ibinida ni PBBM na paglalaanan ng kanyang administrasyon ang pagpapalaki sa budget ng Dept. of National Defense (DND) para mapalakas ang puwersa ng militar sa West Philippine Sea (WPS).


Sana totoo ang sinabi ni PBBM at hindi pabida lang, kasi kapag sumasapit ang national budget deliberation, ang pokus ng Presidente ay ang kanyang bilyun-bilyong pisong confidential fund, habang ang mga sen. at cong. naman ay ‘yung kanilang pork barrel, at dedma na sila sa dagdag-budget ng DND, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page