Iloilo at Cebu sa 1-2 slot ng PFL, Azkals may new coach
- BULGAR
- Mar 22, 2023
- 1 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | March 22, 2023

Patuloy ang paghawak sa unang dalawang puwesto ng 2023 Philippines Football League (PFL) hatid ng Qatar Airways ang Kaya FC Iloilo at Dynamic Herb Cebu FC matapos ang mga hiwalay na tagumpay noong Sabado at Linggo. Hindi pa tapos ang Round 3 sa nakatakdang apat ng pambansang liga subalit ayon sa kartada, ang karera para sa korona pambansang liga ay sa pagitan ng dalawang bigatin na lang.
Bumanat ng tatlong magkasunod na goal ang Kaya upang iligpit ang Azkals Development Team, 3-1, sa Rizal Memorial Stadium noong Sabado. Ipinagpag ng Kaya ang maagang goal ni Andres Aldeguer ng ADT sa ika-10 minuto. Umiral ang pagiging beterano ng Kaya at isa-isang dumating ang pang-tablang goal ni Audie Menzi (28’), pang-lamang ni Jarvey Gayoso (47’) at pandiin ni Arnel Amita (96’).
Hindi inisip ng bisita Cebu ang maingay at puno na McKinley Hill Stadium upang patahimikin ang host Maharlika FC Manila, 2-1, noong Linggo. Unang naka-goal sa ika-20 minuto ang beteranong si David Basa para sa “Koponan ng Masa” subalit saglit lang ang ligaya at pinantay ni Daniel Gadia ang talaan sa 1-1 pagsapit ng ika-41 at tuluyang ipinanalo ni Ivan Ouano ang laban para sa Gentle Giants sa kanyang sipa sa ika-48.

Samantala, itinalaga ng Philippine Football Federation (PFF) si Barae Jrondi bilang bagong head coach ng Azkals. Bitbit ang malawak na karanasan sa mga koponan sa Qatar, gagabayan ng 30-anyos na tubong Morocco ang pambansang koponan simula sa kanilang dalawang FIFA Friendly sa Gitnang Silangan kontra Kuwait at Jordan sa katupusan ng buwan.





Slot Thailand di kabar4d emang mantap.