top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Illegal drugs at illegal gambling, malaking problema ng 'Pinas

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 10, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 10, 2022


ANG PROBLEMA NG MGA NAWALAN NG WORK, SAAN SILA KUKUHA NG PAMBILI NG MAKAKAIN AT PAMBAYAD SA KURYENTE AT TUBIG?—Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nadagdagan ng 2.99 milyong Pilipino ang jobless Pinoy sa buong bansa.


Nakalulungkot isipin kung ano ang mangyayari sa buhay ng mga jobless Pinoy at ng kanilang pamilya kasi isipin n'yo, pumalo na sa 6.4% ang inflation rate, tapos nawalan pa sila ng trabaho, kaya't ang malaking problemang kanilang kakaharapin ngayon, wala na silang hanapbuhay ay kung saan na sila kukuha ng perang pambili sa mataas na presyo ng mga bilihin at pambayad sa mga mataas na bayarin sa kuryente at tubig?


◘◘◘


BLOODY DRUG WAR NI EX-P-DUTERTE, PALPAK—Sabi ni newly appointed PNP (Philippine National Police) chief, Gen. Rodolfo Azurin na hindi solusyon ang pagpatay para masolusyunan ang problema sa illegal drugs sa bansa. Aniya, ang solusyon para matigil ang drug trafficking sa Pilipinas ay tugisin ang mga drug lords na nagpapakalat ng ilegal na droga sa bansa.


Kumbaga, parang sinabi na rin ni Gen. Azurin na palpak ang bloody drug war ni ex-P-Duterte.


◘◘◘


HINDI LANG ILLEGAL DRUGS ANG PROBLEMA NG 'PINAS, KUNDI PATI ILLEGAL GAMBLING—Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang operasyon ng raket na color games at drop balls nina "Aling Tessie" sa Batangas; "Baby Panganiban" sa Laguna; "Roy" sa Cubao; "Jun Mistika" sa Bgy. Bartolome, Holy Spirit at Quirino Highway, Novaliches, Quezon City; "Perya ng Bayan-con jueteng" nina "John Yap", "Reden" at "Chito" sa Cavite at Rizal; sakla at lotteng nina "Lina Robles" at "Ponga" sa Malabon City; at bookies nina "Boy Abang" at "Lorna" sa Tondo, Maynila.


Sa dami ng mga gambling lords na nanraraket sa ating mga kababayan, ay patunay na hindi lang illegal drugs ang dapat puksain ni PNP Chief Gen. Azurin, kundi pati ang mga illegal gambling.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page